Anim na Sabado ng Beyblade Laban at Pagkakaibigan sa Mundo ng Larong Pambata
BEYBLADE, MARAMING-MARAMING BEYBLADE. Isa, dalawa hanggang lima. Makukulay na Beyblade. Pula, itim, asul, berde, pilak, ginto, dilaw--basta sari-saring kulay. Gawa man sa plastik o bakal, basta may Beyblade na mabibili pag Sabado.
Inaasahan ko na ito tuwing Sabadong magkikita kami ng aking bunsong si Rebo. Tiyak na magpapabili siya ng paboritong laruang Beyblade. Kaya naman inihanda ko na ang aking bulsa. May halagang 30 hanggang 50, o higit pa. Depende sa ganda ng disenyo at yari. Inihahanda ko na rin ang katawan ko dahil tiyak, mas karga ang gusto niya papunta sa paboritong tindahan sa talipapa ng aming barangay.
Mga 500 metro rin ang layo ng tindahan mula sa bahay ng aking ina kung saan kami nagkikita tuwing Sabado. Magpapababa lang siya kapag mismong nasa harap na kami ng tindahan at kaya na niyang ituro at hawakan ang paboritong laruan. Palapit pa lang kami ay sasalubong nang nakangiti ang tindero. Kilala na kaming mag-ama. Alam na ang iskedyul ng aming pagpunta. Handa nang magturo ng mga bagong labas na disenyo na maaaring magustuhan ni Rebo. Mas una kasing tinitingnan ni Rebo ang kulay at disenyo. Pangalawa na lang kung plastik o bakal ang yari. Pero batay sa karanasan, mas makiling si Rebo sa plastik. Kung ihahambing sa pagkahilig niya sa iba pang laruang umaandar, (trak-trakan man o kotse-kotsehan), mas madalas niyang laruin ang Beyblade. Siguro’y dahil mas maliit itong di hamak sa trak-trakan o kotse-kotsehan. At di tulad ng dalawa, maaari itong dalhin kahit saan. Huhugutin lang sa bulsa.
Anim Na Sabado Ng Beyblade
Kay Rebo, tiyak na may huhugutin kahit saang bulsa. Sa bulsa ko, kapag may hawak na siyang Beyblade na “panlaban, ” tiyak ding kamay na lang ang laman. Patagalan ng pag-ikot sa loob ng platapormang bilog ang labanan ng Beyblade. Ang tumalsik palabas, talo. Ang unang huminto kahit nasa loob pa ng plataporma, talo. Si Rebo, batay pa rin sa karanasan, madalas talsikan ng Beyblade. Subalit di tulad ng ibang batang madalas mawalan ng gana dulot ng pagkatalo, patuloy ang paglaban ni Rebo. Lalo niyang hihigpitan ang hawak sa matigas na pising may mala-lagareng mga ngipin. Tatatagan ang kapit sa mala-baril na patungan ng Beyblade. At mabilis na hahatakin ang pisi palabas mula sa makipot na butas ng patungan na magtatanggal at mabilis na magpapaikot sa mala-flying saucer na Beyblade pabagsak sa plataporma upang muling makipaglaban.
Apat na Sabadong nakipaglaban ang aking bunso ng Beyblade sa plataporma ng laro. Labing-isang buwan siyang nakipaglaban sa kanser sa kanyang dugo sa ospital ng karamdaman.
Sa katulad kong guro, bakasyon ang Abril. Sa katulad ng bunso kong mag-aapat na taon, panahon ito ng mas maraming nakakatandang pinsang makakalaro.
Anim Na Sabado Ng Beyblade (book Signed), Hobbies & Toys, Books & Magazines, Fiction & Non Fiction On Carousell
Huling linggo ng Marso taong 2003, nang lagnatin siya nang isang linggo. Matapos ang lagnat, ilang araw na di nagkakain at tuluyang namutla. Pagsapit ng unang Sabado ng Abril ng aming pagkikita, halos ayaw na niyang magpababa mula sa pagkakakarga dulot ng madaling pagkapagod. Hanggang unti-unting lumitaw ang mga pasa.
Una’y sa binti, tapos sa braso, hanggang matagpuan na rin ito sa kanyang paa, dibdib at hita. Ang kanyang labi’y parang ibinabad na sa suka. Klinika, ‘yong pinakamalapit na klinika ang agad na tinakbo ng isip ko. “Meron akong limang daan, hahanap pa ako ng pandagdag kung kinakailangan, pangalanan niyo lang ang mga sintomas na nararamdaman ng anak ko!” Ito ang mga eksaktong salitang gustong-gusto kong sabihin sa unang doktor ng titingin sa aking anak. Subalit umabot na sa tatlong libo, pakikiusap at pangungutang, tatlong doktor at dalawang klinika, pagpapamanhid sa sarili upang di matinag sa palahaw ng tinutusok na anak ay di pa rin namin nalaman ang pangalan ng kanyang karamdaman. Mabilis na tibok ng puso na di normal sa kanyang edad. Kulang sa dugo. Mga tanging interpretasyon ng mga doktor. Mga interpretasyong di tapos. Kailangan pa ng ibayong pagsusuri ng mas dalubhasa. Marami pang pagtusok at palahaw. Kirot at nginig ng kalamnan. Dagdag na pagpapamanhid sa katauhan ng mga magulang at iba pang nagmamahal.
Mabigat, subalit pinatatag ko di lamang ang aking tuhod kundi pati dibdib sa pagkakatayo sa loob ng ospital. Anuman ang maging resulta, kailangang nakahanda ako. Palibhasa’y pinakamalaking pampublikong ospital ng bansa, tila mahabang ahas ang pila ng mga taong kinabibilangan ng kanyang ina. Mahabang pila ng hospital card na magsisilbing pasaporte upang makausap ang doktor na mas dalubhasa sa nararamdaman ng aking anak.
Anim Na Sabado Ng Beyblade At Iba Pang Sanaysay
Nung araw na iyon, ayaw bumaba ni Rebo mula sa aking bisig. Kahit na maaari rin naman siyang kargahin ng kanyang ina. Ang gusto niya, si Taytay lang ang kakarga. Si Naynay ang pipila at hawakan ko ang kanyang Ate Kala gamit ang libreng kamay.

“Kasi Sabado, di dapat agad matapos ang Sabado. Di dapat mawala agad si Taytay dahil maghihintay na naman ng panibagong Sabado o araw na tatapatan ng kanyang suweldo bago siya muling makita. Di bale nang mawalay kay Naynay ng ilang oras, kasama naman siya araw-araw. Basta si Taytay lang muna ang kakarga, hahawak, kukuwentuhan, kakalaruin, pabibilihin ng “ays wis” (ice cream) at “babuygyam” (bubble gum) at hihigaan sa dibdib kasi Sabado pa!” Alam ko, ito ang mga eksaktong salitang nais niyang sabihin kung kaya lang idetalye ng kanyang murang isip at bigkasin ng kanyang bulol na dila nung araw na iyon.
Mag-iisa’t kalahating taon na kaming hiwalay ni Joida bilang mag-asawa nang magkasakit si Rebo. Maraming di mapagkasunduan. Magkaiba ang direksyon tinitingnan. Idagdag pa ang madalas na kawalan ng pera. Resulta ng maaga at di hangang pag-aasawa. Ayaw ko nang idetalye pa kung paano kami naghiwalay. Basta magulo. Isa sa mga nakalipas na inilibing ko na sa lupalop ng mga kinalimutang gunita. Gayunpaman, dumating ang puntong kailangan naming kalimutan ang di pagkakasundo at maging sibilisado para sa mga bata. Ito na ‘yong panahon na mag-isa na akong namumuhay sa ayaw-ipaalam-kahit-kanino na lugar. Ang mga anak ko ay itinira naman ni Joida sa bahay ng kanyang kapatid. Pinalad na akong makapagturo sa isang prestihiyoso at malaking pribadong paaralan ng mayayaman at makaranas na ng paghugot ng sapat ng sahod sa ATM. At di tulad ng ibang amang nag-iwan-ng-tae ang konsepto ng pakikipaghiwalay, siniguro kong mas malaking bahagi ng aking “dalawang lingguhang yaman” ay mapupunta sa pagpapalaki ng aking dalawang anak at magtira na lamang sa sarili ng sapat para mabuhay nang may konting inom ng alak.
Anim Na Sabado Ng Beyblade Ni Ferdinand Pisigan Jarin
Mahal na mahal ko ang aking anak. Kaya masakit ang malamang di pala sapat ang pagmamahal para ipinanggalang sa pag-atake ng malubhang sakit.
Acute Lymphocytic Leukemia. Mas kilala sa tawag na “ALL.” Tipikal na uri ng leukemia sa mga edad na tulad ng kay Rebo. Chemotherapy ang tanging paraan ng panggagamot. Mahabang panahon ng gamutan. Induction, consolidation, maintenance stage. Tatlong estado ng panggagamot. Anim, apat, pababa sa isa na matatapang na droga ang dapat pumasok sa murang katawan ng aking anak. Mga drogang papatay sa mga cancer blast na namumuo sa loob ng kanyang katawan. Mga drogang walang mata at maaaring sirain maging ang mga walang sakit niyang laman-loob na pagmumulan ng komplikasyon.
Dalawang linggong singkad na kaming nasa ospital bago nagkaroon ng pangalan ang kanyang karamdaman. Hindi na kami nakaalis mula sa unang araw na kami’y nagbalak lang magpatingin at umasang sabihan na ang kailangan lang niya ay mga gamot na magdadagdag ng kanyang dugo. O kaya’y magpapatibok nang normal sa kanyang puso. Nakakabingi ang pagragasa ng mga eksaktong detalye at interpretasyon. Subalit pinilit kong ipasok lahat sa aking utak na unti-unti na ring namamanhid nang mga oras na iyon. Mabilis na humilera sa isip ko ang larawan ng mukha ni Rebo na punumpuno ng kirot mula sa araw-araw na pagtusok ng karayom tuwing kukuhanan at sasalinan ng dugo. Tutusukin sa braso, paa, balakang, kamay, at kahit saan pang parte na mayroong ugat na di pa namamaga at maaari pang daluyan ng dugo.
Anim Na Sabado Wps Office
Larawan ng mga lagas na buhok na nililipad ng hangin at di mo alam kung saan papadparin (sa kalaunan, nangyari ang lahat ng ito.)
Teorya sa radyasyon o kaya’y namanang sakit? Parehong di tiyak. Pinakasimpleng paliwanag, di tumanda ang butong dapat lumikha ng sapat na dugo upang mabuhay nang malusog ang aking anak. Hindi sumabay sa kanyang pagtanda.
Buto, dugo, pesteng buto! Pesteng dugo! Walang magulang ang nagnanais marinig ang lahat ng paliwanag na ito. Isa lang ang malinaw: hindi pagtatae o lagnat ang nararamdaman ng aking anak, unti-unti na pala siyang namamatay.
Anim Na Sabado Ng Beyblade At Iba Pang Sanaysay By Ferdinand Pisigan Jarin
Naaalala ko pa, di ko mapigilang maluha sa loob ng taxi habang ingat na ingat na hawak ko ang lalagyan ng dugong ipasusuri sa isang malayo at malaking laboratoryo. Lubha akong nagmadali nung araw na iyon. Kailangang di mapanis ang dugo. Kakaiba ang dugo dahil kinuha pa sa likuran ni Rebo. Cultured Blood ang tawag nila.
Isipin ko pa lang ay parang baretang sumaksak sa dibdib ko ang sakit na tiniis ng aking anak makuha lang ang pesteng dugo na tanging magpapakilala ng kanyang karamdaman. Apat na kaming pumigil sa kanya maiporma lang ang katawan niya na tila hipon upang matusok at daluyan ng dugo ang ugat niyang malapit sa buto ng kanyang likuran. Ako, ang kanyang ina, ang doktor at ang nars, kung tutuusin ay kulang pa kami sa lakas ng kanyang piglas, animo’y kakataying baboy ang kanyang palahaw.
“Wa n’yo ko ‘awak! Wa n’yo ko ‘awak! Taytay! Naynay!