Dala Ko ang Aral ng Diyos sa Bawat Hakbang

Muli mapagpalang araw sa inyong lahat mga mahal naming mga kapatid, at maging sa inyong lahat mga mahal naming mga kaibigan. Napakalaking biyaya na maunawaan ninyo ang mga Hiwagang nakapaloob sa mga Aral at Utos ng ating Panginoong Diyos. Manalangin muna kayo at hingin ang Kaniyang pagpatnubay sa inyo habang binabasa ninyo ang Kaniyang mga Pahayag at mga Pagpapayo na ipinahahanay lamang Niya sa Kaniyang Napahihintulutan. Sumainyo nawang lahat ang mga biyayang inyong mga kahilingan sa araw-araw at higit na maipagkaloob sa inyo ang mga pagpapalang Espiritual ng ating Panginoong Diyos na sumagana sa inyo. Nawa ang lahat ay namamalagi sa paggawa ng mabuti na naaayon sa Banal na Kalooban ng ating Panginoong Diyos na maghahatid sa inyo sa tiyak na Kaligtasan. At sa Kapahintulutan ng ating Pinakamamahal na Pinakadakilang Panginoong Diyos ay ilakip Niyang ipagkaloob ang Kapayapaan sa bawat sambahayan ninyong lahat sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristo na nakalakip ang Kanilang basbas at pagmamahal Nila sa inyong lahat. May napakahalaga tayong muling tatalakayin sa ating pag-aaral. At ang Panginoong Diyos ang gagawa nito, sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristo sa paghahanay ng Kanilang inaatasan na Mensahero sa pagsusugo sa Banal na Espiritu.

“Ano ang kaibahan ng Iglesia ni Cristo sa Iglesia ni Cristo…Hinirang? Oo, bagama’t kapwa sa Panginoong Diyos ang dalawang ito, ay may kani-kaniyang banal na kaukulan sila sa ating Panginoong Diyos, na may malaking kinalaman para magtamo ng kaligtasan. Ang Tugon: Itinatag at tinubos ng Panginoong Jesu-Cristo ang Iglesia ni Cristo na mababasa sa aklat ng Mateo 16:18, Roma 16:16 [Lamsa Translations], Samantala ang Iglesia ni Cristo…Hinirang ay sumasagisag sa Anak na Babae ng Sion na itinatag at tinubos ng ating Panginoong Diyos sa Sion o tinubos ng Panginoong Diyos sa loob ng Iglesia ni Cristo na naganap sa wakas ng lupa na mababasa sa aklat ng Isaias 62:11-12 ADB. Sila ang mga Pinili at mga Hinirang sa loob ng Kawan (Iglesia ni Cristo) na kakaunti sa bilang ang Iglesia ni Cristo…Hinirang na kung tawagin ay “Munting Kawan”

MateoHakbang title=Mateo 6:25 34 “Kaya't Sinasabi Ko Sa Inyo, Huwag Kayong Mabalisa Tungkol Sa Inyong Kakainin At Sa Inyong Iinumin Upang Kayo'y Mabuhay O Kaya'y Tungkol Sa Susuutin Ng Inyong Katawan. Hindi Ba't Ang style=width:100%;text-align:center; onerror=this.onerror=null;this.src='https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcSFGtpNPbLNbqRnbfqKvY20LY95UuIxg_aZTr0TxTNiYPUQtNGf5oOFk-g_4BtXrn8gkSQ&usqp=CAU'; />

Nito lamang Hulyo 30/31, 2022, araw ng Sabado/Linggo. ang Sion o Iglesia ni Cristo natalakay ninyo sa Pagsamba ang mga parada ng tagumpay ng Iglesia ni Cristo. Inilarawan ang mabilis na paglaganap nito, at ang pagdami ng mga kaanib nito na hindi lang dito sa Pilipinas kundi nakalaganap na ito sa buong daigdig. Halos nasa 161 na bansa at teretoryo, 149 na lahi ang mga kaanib dito. Ano ang nais ninyo ipahiwatig dito? Ang Kawan o Iglesia ni Cristo sa inyong Pamamahala sa kabuuan ay napakalawak na, napakarami na, napakalaganap na sa buong daigdig. Tanong: Kayo ang Kawan, kayo pa rin ba ang “Munting Kawan”?

Aral Sa Buhay

Yan ang napakagandang kapalaran ng Iglesia ni Cristo…Hinirang na sumasagisag sa “Anak na Babae ng Sion, ” ang higit na kinikilala ng Panginoong Jesu-Cristo na mapalad. Kung bakit? Sapagkat tanging sila lamang ang kumikilala sa utos ng ating Panginoong Diyos sa magaganap na Pagtakas o Paglikas para maligtas sa Kawasakang Darating sa kasalukuyang daigdig na ang ating Panginoong Diyos rin ang nagtakda nito. Kaibayo ito sa pag-asa ng Iglesia ni Cristo na maghihintay na lamang kayo ng pagbabalik pa ng Literal na Panginoong Jesu-Cristo, na sa araw pa lamang ng Paghuhukom na yan nakatuon ang inyong pananaw sa hinaharap. Ipinauunawa ninyo sa mga kapatid na hinihintay ninyo ang ikalawang pagparito ng Panginoong Jesu-Cristo. Hindi na mangyayari ang ikalawang pagparito Niya. Tanong lang namin sa inyo. Pang-ilang pagbabalik na ng Panginoong Jesu-Cristo ang tagpong ito? Ito ay literal na nangyari. Ibig sabihin hindi tulog si Saulo. Katunayan kasalukuyan siyang naglalakbay ng mga panahong yaon.

Sa kaniyang paglalakbay, nang malapit na siya sa Damasco, biglang nagliwanag sa palibot niya ang isang ilaw mula sa langit na tulad sa kidlat. 

Sinabi niya: Sino ka ba Panginoon? Sinabi ng Panginoon: Ako si Jesus na iyong pinag-uusig. Mahirap sa iyo ang sumikad sa mga pantaboy na patpat.

Mga Taga Corinto 10:13 Wala Pang Pagsubok Na Dumating Sa Inyo Na Hindi Nararanasan Ng Lahat Ng Tao. Tapat Ang Diyos, At Hindi Niya Ipapahintulot Na Kayo'y Subukin Nang Higit Sa Inyong

Nang dumating si Saulo sa Jerusalem, pinagsikapan niyang makisanib sa mga alagad. Silang lahat ay natakot sa kaniya. Hindi sila naniniwala na siya ay isang alagad.

Ngunit kinuha siya ni Bernabe at siya ay dinala sa mga apostol. Isinaysay niya sa kanila kung paanong nakita ni Saulo ang Panginoon sa daan at kinausap siya. Isinaysay niya kung paanong sa Damasco ay nangaral siyang may kata­pangan sa pangalan ni Jesus.

A.

Masasabi niyo ba na ang tagpong yan ay hindi pa nakababalik ang Panginoong Jesu-Cristo sa daigdig matapos siyang makaakyat sa Langit? Mahirap bang unawain na

Sabi Ni Cristo Ako Ay Babalik At Isasama Ko Kayo … Walang Makapupunta Sa Ama Kundi Sa Pamamagitan Ko … “ngunit Pagdating Ng Anak Ng Tao Sa Daigdig Na Ito, May Makikita

. Mayron nga ba kayong mailalatag na talata ng Banal na Kasulatan o BIBLIA na tuwirang sinasabi doon na may ikalawang pagparito ng Panginoong Jesu-Cristo na nauugnay sa araw ng paghuhukom? Kahit basahin at paulit-ulit ninyong balikan ang Banal na Kasulatan o Biblia ay wala kayong mababasa na nauugnay sa Paghuhukom ay yun ang ikalawa Niya na pagparito. Kundi ang mapag-uunawa ninyo na nauugnay sa Paghuhukom sa literal na pagbabalik ng Panginoong Jesu-Cristo (yung katawan na Niya mismo, kaluluwa at ang Espiritu na Niya mismo) ay lilipas muna ang Sanlibong Taon.

Hindi ninyo napag-uunawa na lilipas pa ang Sanlibong Taon bago ninyo matamo ang inyong kaligtasan. Dahil sa hindi nga kayo mga sumasampalataya na may magaganap na Pagtakas o Paglikas, kung kaya pilitin man namin kayo ay hindi kayo sasama doon sa Dakong Banal na ligtas na pagdadalhan sa mga nangag-iibig na mangaligtas. Hindi namin ipinagkakait yan sa inyo. Lagi namin ipinagmamalasakit na mapaunawa sa inyo ang napauukol diyan. Kaya nakalulungkot, mararanasan ninyo ang paghihirap ng kamatayan sa daigdig na ito, na wawasakin na ng ating Panginoong Diyos sa itinalaga Niya na tagawasak sa kasalukuyang daigdig na labis na ang kasamaan ng mga tao at paglala ng kalagayan nito. Kung hindi kayo sasama ay hindi na ninyo mararanasan na makapamuhay pa sa loob ng Sanlibong Taon doon sa Bagong Daigdig, doon sa Banal na Bayan, na kung saan naroroon ang Bagong Jerusalem na doon ay makakapiling ang Panginoong Diyos natin. Oo, makalipas pa ang Sanlibong Taon saka pa lamang darating ang araw ng Paghuhukom, na ang ukol sa kaganapan na yan ay hindi mahirap unawain ng Panginoong Jesu-Cristo ang Sanlibong Taon na lilipas. Nangangahulugan batid Niya na yan ang Kaniyang muling pagbabalik. May kaibahan ito sa sinasabi Niya na hindi Niya alam kung kailan Siya babalik. Samantala ang Araw ng Paghuhukom na lilipas pa ang Sanlibong Taon ay tiyak na alam na alam Niya yaon kung kailan Siya babalik.

Maaari

Kaya ang inaasam ninyong kaligtasan ay saka pa lamang ninyo makakamtan sa paglipas pa ng Sanlibong Taon. Mapabibilang kayo sa mga bubuhaying muli dahil nga sa nangamatay kayong lahat, sa di pagsama sa Pagtakas o Paglikas. Oo, iba sa mga mapapalad na mga makakasama sa Pagtakas o Paglikas na mga mapapalad na mabubuhay sa loob ng Sanlibong Taon. Sila ay daratnang buhay ng Panginoong Jesu-Cristo na pawang mga sakdal na, na mga mapapalad na sasalubong sa Kaniyang literal na pagbabalik muli. Sapagkat sa loob ng Sanlibong Taon ay dinalisay na silang lahat na nakasama sa Bagong Daigdig habang doon ay kapiling ang Amang Banal sa Banal na Bayan sa Bagong Jerusalem.

El Filibusterismo Buod Ng Bawat Kabanata 1 39 With Talasalitaan

Narinig namin sa mga Pagsamba at nabasa naman sa Pagsambang Pansambahayan ang leksyong binalangkas ni kapatid na Randy L. Weir Miyerkules/Huwebes: Hunyo 22/23, 2022.

Ang kaligtasan ay dumarating sa Anak na Babae ng Sion na sumasagisag sa Iglesia ni Cristo…Hinirang. Tinalakay ito sa Pagsamba na napauukol sa Hula o Paunang Pahayag ng ating Panginoong Diyos sa Sion (Iglesia ni Cristo), na iniuutos sa inyo Jerusalem (Central) ng ating Panginoong Diyos, at ito ang mababasa natin sa;

SABI

Narito, ang Panginoon ay nagtanyag hanggang sa wakas ng lupa, Inyong sabihin sa anak na babae ng Sion, Narito, ang iyong kaligtasan ay dumarating; narito, ang kaniyang kagantihan ay nasa kaniya, at ang kaniyang ganti ay nasa harap niya.

Lwg May 2022 Readings

AT ANG MAGANDANG PATOTOO NINYO SA CENTRAL NA NAITURO SA MGA PAGSAMBA AT PAGSAMBANG PANSAMBAHAYAN SA MGA PETSA AT MGA ARAW NA NABANGGIT ANG HINDI NINYO BATID NA NAISAKATUPARAN NA NINYO ANG HULA SA ISAIAS 62:11-12 ADB. PAHAYAG NA MULA SA INYO AY GANITO ANG AMING NARINIG.

Itong ating binasa ay Hula o Paunang Pahayag ng ating Panginoong Diyos. Kanino po tumutukoy ang hulang ito ng Diyos? Tumutukoy sa binabanggit sa talatang ating binasa na Bayang Hinirang ng ating Panginoong Diyos. Ano po ang dahilan kaya sila kinikilalang Bayang Hinirang ng Diyos? Paano sila naging Bayan ng ating Panginoong Diyos? Ang sabi ng Biblia, sila anya ay tinubos ng PANGINOON. Kaya ano po ang tiniyak sa kanila ng ating Panginoong Diyos? Ang sabi sa atin? Magkakaroon sila ng kaligtasan.

ANO

Yan ang parte ng inyong mga nabanggit sa mga Pagsamba. Kaya naisagawa na ninyo mga mahal kong kapatid ang Dakilang Kalooban ng ating Panginoong Diyos na ipinag-uutos Niya sa inyo sa Sion o sa Iglesia ni Cristo, na tuwirang ipinagagawa Niya sa mga taga Jerusalem o sa inyo mga taga Central na mga Nangangasiwa sa Ministeryo na;

Aerial's Torch Of Salvation: Pangalan Ng Diyos Na Jehova Galing Sa Katoliko?

; Naisagawa ninyo ito sa nakaraang buwan, Hunyo 22/23, 2022, araw ng Mierkules/Huwebes, sa mga Pagsamba, at sa mga Pagsambang Pansambahayan. Oo, naisakatuparan na ninyo ang bilin sa inyo ng ating Panginoong Diyos. Lamang ang nakalulungkot, ang batayan ng inyong pagpapaunawa matapos ninyong basahin ang aklat ni Isaias 62 talatang 11 hanggang 12 ADB na napauukol