Darangan' Alamat ng Pag-ibig, Pag-asa, at Kultura

Noong unang panahon, sa isang lupaing hindi madaling mahahagip ng mga mata at kung saan ang tingin sa bawat emosyon ay ugat ng kasamaan, nakatayo ang isang kaharian na hinulma sa kadiliman. May iba’t-ibang uri ng nilalang ang naninirahan doon at ang tanging alam na gawain ay ang pasilbihan ang kanilang pinuno kapalit ng pagkain at kapangyarihan na bubuhay sa kanila sa pang araw-araw. Walang nadadaramang pagod, kalungkutan, kasiyahan at maaari silang maihalintulad sa isang manikang biniyayaan ng hininga.

Tulad ng iba, may isa at katangi-tanging batas ang pinapatupad ang kanilang pinuno na bawal ang lumabas sa haligi ng kaharian dahil may paniniwala sila na ang mundong nag-aabang sa kanila sa labas ay ang pagbuhos ng iba’t ibang kulay ng emosyon na magbubulid sa kanila sa  pagkakasala at panghihina ng kanilang katawang-lupa.

AlamatKultura title=Alamat NG Bulkang Mayon, Alamat NG Pag Ibig (©) style=width:100%;text-align:center; onerror=this.onerror=null;this.src='https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcRT-QjEWZbXdTexz0hBobeNP0G0msdDJs-9ic2BbbJEMgwSTg4QY11FfuI9cFz3T-wobI8&usqp=CAU'; />

Isang araw, may isang nilalang na nagngangalang Maria na sa hindi malamang dahilan ay tumungo sa isang sulok ng kaharian at sinubukang gumawa ng butas upang masilayan ang kung ano ang naghihintay sa kanila sa labas. Nang nasilayan ni Maria ang isang bahagi, nag-init ang kanyang mga mata at wari ba’y may nag-uumapaw ang kanyang damdamin sa kagalakan.

Panitikan Bago Dumating Ang Mga Kastila

Kinatakutan niya iyon dahil sumagi sa kanyang isipan ang batas ng kaharian.  Ngunit ipinagsawalang bahala pa rin niya ang takot at itinuloy ang kagustuhan na masilayan ang mundo sa labas ng kanilang kaharian. Kinausap niya ang ilan sa kanyang mga kasamahan at sama-sama nilang pinagplanuhan ang pagbuwag ng isang bahagi ng kanilang kaharian. Kinabukasan, nang ang bughaw na kulay ng langit ay nakikipagtalo sa kahel, sinira nila ang isang bahagi ng haligi.  Sa unang pagkakataon, nasilayan nila ang kabughawan ng karagatan, nalanghap ang humahalimuyak na simoy ng hangin at nagtatalon sanhi ng nag-uumapaw na tuwa at kagalakan, hindi alintana ang batas ng pinagmulan nilang kaharian. Sa kabilang dako naman ay si Maria na tahimik na nagpapakalunod sa liwanag ng papalubog na araw.

Unti-unti na rin silang nagiging kawangis ng isang tao. Tumulo ang kanilang mga luha, unti-unting humuhulma ang kanilang mga labi na maihahalintulad sa kurba ng isang saging at nagsilabasan ang nagsisikislapan nilang mga ngipin. Unti-unti silang nakadarama ng samu’t-saring emosyon at unti-unti silang nagiging tao. Nawala na rin ang kanilang mga atensyon sa kaharian at hindi namalayan na may nagmamasid na mula sa loob at sinumbong ang kanilang ginawang pagsuway sa kanilang pinuno. Dumagundong ang kaharian sa sigaw ng pinuno nilang umaapoy sa galit, ipinahuli niya ang grupo at sinambit na ang pinuno na mismo ang papaslang sa kanila.

Sinubukan na labanan ng kampo ni Maria ngunit ang kanilang bilang ay hindi sumapat at tuluyan na ring nanghina ang bisa ng kanilang kapangyarihan dahil sa sila’y nagiging tao na. Gayunpaman, ipinagpatuloy pa rin ni Maria ang ragasa ng apoy na nanaig sa kanyang katawang-lupa. Ngunit, sila’y patuloy pa rin na nagagapi at habang unti-unting nawawala ang pag-asa ni Maria, lumitaw sa kanyang isipan ang mga litrato ng mga tanawin sa labas ng kanilang kaharian na tumatak sa kanyang katauhan. Napagtanto niyang kung mauubos ang kanyang mga kasamahan, sino na lamang ang makakapagkwento tungkol sa paraisong nagliliwanag sa labas ng haligi ng kanilang kaharian?

Dalawang Panahon Ng Matandang Panitikan

“Ako na lamang ang iyong paslangin!” sigaw ng naghihingalong si Maria. “Huwag niyo nang idamay ang aking mga kasama dahil ako naman ang nagsama sa kanila sa labanan na ito.”

Umindak sa galak ang kanilang pinuno sabay sambit ng “Mga hangal! Hindi kayo nakinig sa inyong pinuno at iyan ang dahilan kung bakit kayo nawawalan ng lakas ngayon” tinuluyan na nga ng pinuno si Maria at sumabog ang kanyang dugo na mas matingkad pa sa kapulahan ng mga rosas, unti-unti nitong nilusaw ang kahariang na animo’y nalugmok sa mga putik at anino kasama na rin rito ang kanilang pinuno at yung ibang nilalang, sa wakas ay nasilayan na rin ang labas ng kaharian at sila’y naging kawangis na rin ng mga tao. Luha ng kaligayahan ang umalingawngaw sa buong paligid.

ALAMAT

At ito ang Alamat ng Pag-Ibig. Ang pag-ibig na hindi makasarili at handang ibigay ang huling hininga alang-alang sa kapakanan ng karamihan, pag-ibig na kasing dalisay at kasing dakila ng puso ni Maria.Noong unang panahon, sa bayan ng Sikatuna wala pang nakakaalam tungkol sap ag-ibig. Doon nakatira si Maria, isang dalaga na ubod ng pangit. Panunukso ang lagging bumubungad kay Maria araw-araw dahil sa kanyang itsura.

Ang Alamat Ng Bulkan Mayon

Isang araw habang si Maria ay naglalakad mayroon nagpakita sa kaniyang isang nakakasilaw na liwanag, isang diwata . Agad namang nagpakilala ang Diwata ng Pag-ibig at nagpahatid siya ng mensahe para sa bayan.

Hindi mapakali si Maria, halos matunaw na siya habang kinakausap ng diwata, hindi ma-ipinta sa kanyang mukha ang kanyang nararamdaman ngunit pinakinggan naman niya ang Diwata.

Alamat

“pag-ibig ang aking hatid, at ito ay ipapaubaya ko sa buong bayan sa pamamagitan mo” naguluhan si Maria kung bakit siya ang napili ng Diwata magbahagi ng pag-ibig, subalit wala naman nakaka-alam kung ano ng aba ang pag-ibig.

Abby's Blog: Urduja... Isang Alamat Ng Pag Ibig

“ano baa ng pag-ibig?” tanong ni Maria sa diwata, “ang pag-ibig ang magbibigay kaayusan sa lahat ng bagay, at ito ang nakakaganda sa isang tao”

Sa kagustuhan ni Maria na gumanda ay tinanggap naman niya ang bilin ng diwata ngunit bago umalis ang diwata ay mayroon syang binigay kay Maria.

Alamat

“Tanggapin mo itong kwintas ng pag-ibig magagamit mo yan upang mas mapalaganap ang pag-ibig sa bayan ngunit sa isang kondisyon, maaari mo lamang gamitin yan sa aking bilin, hindi sa pampersonal na interes. Kung ikaw ay hindi sumunod ay may parusa na kapalit”

Alamat Ng Sili

Mabilis na umalis si Maria at inisip kung ano ang gagawin niya upang mapalaganap ang pag-ibig, sinubukan niyang suotin ang kwintas at laking gulat niya na siya ay gumanda na parang diwata. “napaka-ganda ko na” wika ni Maria. Biglang naisip ni Maria na gamitin niya ang kwintas para magkagusto sa kaniya ang mga lalaki, kaya’t ganoon nga ang ginawa ni Maria. Lingid sa kaniyang kaalaman ay sumuway na siya sa utos ng diwata. Makalipas ang ilang araw, pag gising ni Maria ay bumalik na siya sa dati niyang anyo, wala ng epekto ang kwintas. Nagtago si Maria sa mga kaniyang manliligaw dahil hindi niya alam kung paano niya ito haharapin.

Isang gabi ay hinanap ni Maria ang diwata at tinanong kung ano ang nangyari, “diwata ng pag-ibig, bakit nawala ang epekto ng kwintas..sinunod ko naman ang bilin mo  na ipalaganap ang pag-ibig sa pagiging masaya.”

Komiks

“Maria, ang pag-ibig ay hindi nasusukat sa panlabas na anyo kung hindi kung ano ang nasa loob mo, matuto kang tumanggap kung anong meron ka at sa pamamagitan noon ay matututunan mo kung paano ibigan ang sarili mo, bago ka ibigin ng iba” sagot ng diwata.

Komiks / Alamat Ng Pag Ibig

Simula noon ay nagging masayahin na si Maria, natuto siyang tumanggap at maging masaya. Natuto narin siya mahalin ang kaniyang sarili. Ikwinento ito ni Maria sa kaniyang mga kaibigan, kamag-anak at nagging pamilya at doon nakilala kung ano ang pag-ibig.