Litrato ng Buong Pamilya ni Hades Kasaysayan at Kabayanihan ng Mga Diyos sa Mitolohiya
Ang Greek trinity at ang pamamahagi ng taong mga kaharian ng Daigdig: Zeus God (Langit), Poseidon (Seas at karagatan) at Hades (Underworld). Ang Theos (menor de edad na diyos) ay mga anak ng Trinidad na ito.
Ang mitolohiyang Griyego ang katawan ng mga mito at katuruan ng mga Sinaunang Griyego na nauukol at nagpapaliwanag ng pinagmulan at kalikasan ng mundo at nagdedetalye ng mga buhay at pakikipagsapalaran ng kanilang iba't ibang mga Diyos at mga Bayani. Ang mitolohiyang Griyego ay isang bahagi ng relihiyon sa modernong Gresya at sa buong mundo na kilala bilang Hellenismos. Ang mga modernong skolar ay nag-aaral ng mitolohiyang Griyego upang magbigay linaw sa mga institusyong relihiyoso at pampolitika ng Sinaunang Gresya at ng kabihasnan nito. Pinag-aaralan rin ito ng mga skolar upang maunawaan ang kalikasan ng mismong paggawa ng mito. Sa simula, ang mga salaysay na ito ay pinapakalat sa Sinaunang Gresya sa isang tradisyong tulang-pabigkas. Sa kasalukuyan, ang ating mga nanatiling sanggunian ng mga mitolohiyang Griyego ay mga gawang pang-panitikan ng mga tradisyong pagbigkas. Sumasalamin din ang mitolohiyang Griyego sa mga artipakto, ilang mga gawang sining, lalo na iyong mga pintor ng mga plurera. Tinutukoy ng mga Griyego mismo ang mga mitolohiya at mga kaugnay na gawang sining upang magbigay liwanag sa mga kultong pagsasanay at ritwal na mga tradisyon na napakaluma na at, minsan, hindi nauunawang mabuti.
Mitolohiya title=Hades style=width:100%;text-align:center; onerror=this.onerror=null;this.src='https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcSARyBnd0xg88fGIeQjGA2DrBy9xULgMuv9IzTVJHnF3b17Yn5W09QSEH94CgZl-0p6fXc&usqp=CAU'; />
Ang mitolohiyang Griyego ay pangunahing alam ngayon mula sa panitikang Griyego at mga representasyon sa mga biswal na media na mula pa sa panahong Heometriko mula c. 900 hanggang 800 BCE at pasulong.
The Truth (gal. 5:14)
Sa katunayan, ang mga sangguniang pampanitikan at arkeolohikal ay nagsasama at minsang parehong sumusuporta sa bawat isa at minsan magkasalungat. Gayunpaman, sa maraming mga kaso, ang pag-iral ng corpus ng datos ay isang malakas na indikasyon na ang marami sa mga elemento ng mitolohiyang Griyego ay may malakas na pinag-ugatang paktuwal at historikal.
Ang kabilang sa pinakamaagang mga sangguniang pampanitikan ang dalawang mga tulang epiko ni Homer na Iliad at Odyssey. Ang ibang mga manunula ay bumuo ng isang siklong epiko ngunit ang mga kalaunan at mas mababang mga tula ay halos buong nawala. Sa kabila ng kanilang pangalang tradisyonal, ang mga imnong Homeriko ay walang direktang kaugnayan kay Homer. May mga pang-korong himno mula sa mas maagang bahagi ng tinatawag na panahong Liriko. Si Hesiod na isang posibleng kontemporaryo ni Homer ay nagbibigay sa kanyang Theogony (Pinagmulan ng mga Diyos) ang pinakabuong salaysay ng ng mga pinakamaagang mitong Griyego na nauukol sa paglikha ng mundo, ang pinagmulan ng mga Diyos, mga Titan, mga Higante gayundin din ang masalimuot na mga henealohiya, mga kuwentong bayan, at mga mitong etiolohikal. Ang Mga Gawa at Araw ni Hesiod ay isang didaktikong tula tungkol sa buhay pagsasaka na kinabibilangan rin ng mga mito ni Prometheus, Pandora at ng Mga Apat na Panahon. Ang manunula ay nagbibigay ng mahusay na paraan upang magtagumpay sa isang mapanganib na mundo na mas ginawa pang mapanganib ng mga Diyos nito.
Ang Romanong makata na si Virgil, na inilalarawan dito sa loob ng isang manuskriptong nagmula sa ika-5 daantaon: ang Vergilius Romanus, na nakapagpreserba ng mga detalye ng mitolohiyang Griyego sa loob ng marami niyang mga sulatin.
Tagalog Foundations For Website
Ang pagkakatuklas ng kabihasnang Mycenaean ng arkeologong baguhang Aleman na si Heinrich Schliemann noong ika-19 na siglo at pagkakatuklas ng kabihasnang Minoan sa Creta ng arkeologong Britaniko noong ika-20 siglo ay nakatulong sa pagpapaliwanag ng maraming mga umiiral na katanungan tungkol sa mga epiko ni Homer at nagbigay ng ebidensiyang arkeolohikal para sa maraming mga detalyeng mitolohikal tungkol sa mga Diyos at mga bayaning Griyego. Ang Digmaang Trojan na isa sa pinakamahalagang mga pangyayari sa Mitolohiyang Griyego ay pinaniniwalaan ng karamihan ng mga skolar na tunay na nangyari at ang Troy ay isang tunay na siyudad.
Ang mga heometrikong disenyo sa mga palayok ng ika-8 siglo BCE ay nagpapakita ng mga eksena mula sa siklong Trojano gayundin din ang mga pakikipagsapalaran ni Heracles.
Ang mitolohiyang Griyego ay nagkaroon ng isang malawak na impluwensiya sa kultura, sining, at panitikan ng sibilisasyong Kanluranin at nananatiling kabahagi ng pamana at wikang Kanluranin. Ang mga makata at mga alagad ng sining mula noong sinaunang mga kapanahunan hanggang sa pangkasalukuyang panahon ay humango ng inspirasyon magmula sa mitolohiyang Griyego at nakatuklas ng kontemporaryong pagpapahalaga at kaugnayan sa mga tema.
Revalidated Filipino10 Q1 M2
Ang mga biswal na representasyong ng mito ay mahalaga sa dalawang mga kadahilanan. Marami sa mga mitong Griyego na napatunayan sa mga baseng mas maaga sa mga sangguniang pampanitikan. Sa labindalawang mga paggawa ni Heracles halimbawa, ang pakikipagsapalarang Cerberus ay umiiral sa isang kontemporaryong tekstong pampanitikan.
Sa karagdagan, ang mga sangguniang biswal ay minsang kumakatwan sa mga mito o mga eksenang mitikal na hindi pinatutunayan sa anumang umiiral na sangguniang literaryo. Sailang mga kaso, ang unang alam na representasyon ng isang mito sa isang sining na heometriko ay nauuna sa unang alam na representasyon nito sa huling tulang sinauna ng ilang mga siglo.
Sa mga Panahong Arkaiko (c. 750–c. 500 BCE), Klasiko (c. 480–323 BCE), at Helenistiko (323–146 BC), ang Homeriko at iba ibang mga ibang eksenang mitolohikal ay lumilitaw na nagdaragdag sa umiiral na ebidensiyang pampanitikan.
Tula, Talumpati, Maikling Kwento, Pabula, Sanaysay
Ang mga mito ng pinagmulan o mito ng paglikha ay kumakatawan sa pagtatangka ng magpaunawa sa uniberso sa mga terminong pantao at ipaliwanag ang pinagmulan ng mundo.
Ang pinakamalawak na tinatanggap na bersiyon sa panahong ito bagaman isang pilosopikal na salaysay ng pinagmulan ng mga bagay ang inuulat ni Hesiod sa kanyang Theogony. Kanyang sinimulan ang isang Kaguluhan na isang nakangangang kawalan. Mula sa kawalan ay lumitaw si Gaia (ang mundo) at iba pang mga pangunahing diyos: Eros (Pag-ibig), Kalaliman (ang Tartarus) at Erebus.
Nang walang pagtulong ng isang lalake, si Gaia ay nanganak kay Uranus (ang Kalangitan) na nagpunlay sa kanya. Mula sa unyong ito ay ipinanganak ang mga Titan na mga anim na lalakeng sina Coeus, Crius, Cronus, Hyperion, Iapetus, atOceanus at mga anim na babaeng sina Mnemosyne, Phoebe, Rhea, Theia, Themis, at Tethys. Pagkatapos ipanganak si Cronus, sina Gaia at Uranus ay nag-utos na wala nang mga Titan na ipapanganak. Sila ay sinundan ng may isang matang mga Cyclop at mga Hecatonchires na parehong inihagis sa Tartarus ni Uranus. Ito ay nagpagalit kay Gaia. Si Cronus ay hinikayat ni Gaia na kapunin ang kanyang ama. Kanyang ginawa ito at naging pinuno ng mga Titan kasama ng kanyang asawa-kapatid na si Rhea bilang konsorte. Ang ibang mga Titan ay kanyang naging korte. Ang isang motif ng alitang ama-laban-sa-anak ay inulit nang si komprontahin ng kanyang anak na lalakeng si Zeus. Dahil nagtaksil si Cronus sa kanyang ama, natakot siya na ang parehong bagay ay gagawin ng kanyang anak kaya sa bawat panganganak ni Rhea, kanyang inaagaw ang bata at kinakain ito. Nagalit si Rhea dito at dinaya niya si Cronus sa pamamagitan ng pagtatago kay Zeus at pagbabalot ng isang bato sa balutan ng sanggol na kinain ni Cronus. Nang lumaki si Zeus, pinakain niya si Cronus ng isang may drogang inumin na nagpasuka sa kanya na nagsuka sa ibang mga anak ni Rhe at sa bato na nasa tiyan ni Cronus sa simula pa. Hinamon naman ni Zeus si Cronus sa isang digmaan para sa paghahari ng mga Diyos. Sa wakas, sa tulong ng mga Cyclop na pinalaya ni Zeus mula sa Tartarus, sina Zeus at ang kanyang mga kapatid ay nagwagi samantalang si Cronus at ang mga Titan ay inihagis sa pagkabilanggo sa Tartarus.
Banal Na Mag Anak
Isang Attic na amphora na mayroong mga pigurang kulay itim, na naglalarawan ng muling pagsilang ni Athena magmula sa ulo ni Zeus, na lumunok sa ina ni Athena na si Metis, na diyosa ng panganganak. Si Eileithyia, na nasa kanan ay tumutulong sa muling pagpapanganak na ito, circa 550–525 BK (Musée du Louvre, Paris).
Si Zeus ay sinalot ng parehong pagkabahala at pagkatapos isang hula na ang supling ng kanyang unang asawang si Metis ay manganganak sa isang Diyos na mas dakila sa kanya, siya ay nilamon ni Zeus.
Ang pinakamaagang kaisipang Griyego tungkol sa tula ay tumuturing sa mga theogoniya na mga prototipikal na genreng pangtula na prototipikal na mythos na nagtakda ng halos mga kapangyarihang mahikal dito. Si Orpheus na manunulang arketipal ay isa ring mang-aawit na arketipal ng mga theogoniya na kanyang ginagamit upang pakalmahin ang mga dagat at bago sa Argonautica ni Apollonius at upang ilipat ang mga mabatong puso ng mga diyos ng mundong ilalim sa Hades. Nang imbentuhin ni Hermes ang lira sa Homerikong Himno kay Hermes, ang kanyang unang ginawa ay umawit tungkol sa kapanganakan ng mga Diyos.
Vocab.txt · Jcblaise/electra Tagalog Small Cased Discriminator At Main
Ayon sa klasikong panahong mitolohiya, pagkatapos pabagsakin ang mga Titan, ang bagong panteon ng mga Diyos at Diyosa ay kinumpirma. Kabilang sa mga pangunahing Diyos an Griyego ang mga Labindalawang mga Olimpiyano na nananahan sa tuktok ng Bundok Olympus sa ilalim ng mata ni Zeus. Ang limitasyon ng kanilang bilang sa 12 ay tila isang komparatibong modernong ideya.
Bukod sa mga Olimpiyano, ang mga Sinaunang Griyego ay sumamba rin sa mga iba't ibang diyos ng nayon, ang diyos-satyr na si Pan, mga Nympha (mga espirito ng mga ilog), mga Naiad (na tumatahan sa mga batis), mga Nereid (na tumatahan sa dagat), mga diyos na ilog, mga Satyr at iba