Pamamanhid ng Katawan Sanhi at Solusyon sa Hindi Komportableng Sitwasyon

Ang Carpal Tunnel Syndrome ay nagdudulot ng pamamanhid ng kamay sanhi ng pagkaipit ng ugat na tinatawag na median nerve. Matatagpuan ang median nerve sa wrist o sa pulsuhan.

Ang pamamanhid ng kamay at daliri o carpal tunnel syndrome in English ay sakit na dulot ng labis na paggamit o labis na pagod ng kamay. Kilala rin ang karamdaman na ito sa tawag na median nerve entrapment o median nerve compression.

-Pamamanhid Ng Katawan Sanhi At Solusyon Sa Hindi Komportableng Sitwasyon title= style=width:100%;text-align:center; onerror=this.onerror=null;this.src='https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcSOGOJOTfy_oWL6QtZR8a2xrU7hizKKVvnGV6GFFS9-L5nXHCBSWZUw1HkdZj3PVT05n1Q&usqp=CAU'; />

Kabilang sa mga sintomas nito ay ang pakiramdam na tila may tumutusok-tusok sa iyong palad at mga daliri, burning sensation, pangangati at pamamanhid ng palad at mga daliri sa kamay, lalo na ng hinlalaki at index finger.

Pamamanhid Ng Kamay Ng Buntis: Bakit Ito Nangyayari At Ano Ang Lunas

Maaaring maramdaman ang mga sintomas na ito tuwing gabi o pagkagising sa umaga. Makakaramdam ng pangangailangang iwasiwas o i-shake out ang mga kamay pagkagising.

Maaari ring magising sa kalagitnaan ng pagtulog dahil sa dulot na discomfort ng pamamanhid ng kamay. Puwede ring maging dahilan ang pamamanhid ng kamay dulot ng carpal tunnel syndrome sa pagkabitaw sa mga bagay na hinahawakan o dala-dala.

Maaaring maapektuhan ng carpal tunnel syndrome ang isa o dalawang kamay. Mas pangkaraniwan ang kondisyong ito sa mga babae kaysa sa mga lalaki.

Bakit Kaya Nangingimay, Namimintig O Namamanhid Ang Mga Kamay At Paa

Puwedeng lumala ang damage ng median nerve na naipit. Maaari itong humantong sa permanenteng pamamanhid ng mga daliri sa kamay, at permanenteng paghina ng muscles na konektado sa nasabing ugat.

Maaaring magkaroon ng CTS dahil sa iba’t ibang rason. Pero ang pinakakaraniwang sanhi nito ay ang madalas na paggamit ng wrist motion o madalas na pwersa sa paggalaw ng pulsuhan, kapag na-expose sa vibration, o sa madalas na paggamit ng mga daliri. Halimbawa ay sa madalas na pagtipa sa computer.

Subalit, hindi naman lahat ng nagtratrabaho sa mga nasabing gawain ay maaaring magkaroon ng CTS. Mas mataas ang tiyansang magkaroon nito ang mga sumusunod:

Ano Ang Lunas Sa Masakit Na Katawan?

Ang carpal tunnel ay ang makipot na canal o tube sa pulsuhan. Pinag-uugnay ng median nerve at tendons sa carpal tunnel ang mga kamay at forearm. Mayroong iba’t ibang bahagi ang carpal tunnel.

Mayroon itong carpal bones na siyang bumubuo sa ibaba at gilid na bahagi ng tunnel. Nakaporma ito nang semi-circle. Sa taas naman ng tunnel ay matatagpuan ang strong tissue na tinatawag na ligament. Ito ang nagho-hold sa tunnel.

Samantala, sa loob ng tunnel matatagpuan ang median nerve at tendons. Ang median nerve ang responsable sa pagbibigay ng pakiramdam sa mga daliri maliban sa hinliliit. Nagbibigay din ito ng karagdagang lakas sa base ng hinlalaki at palasinsingan.

Dahilan Ng Panghihina Ng Katawan

Ang tendons naman ay rope-like structures na nagdurugtong sa muscles sa forearm patungo sa mga buto sa kamay. Ito ang dahilan kung bakit nagagawa nating ibaluktok ang mga daliri.

Kung hindi naman malala ang sintomas na nararanasan, posibleng gumaling din ang pamamanhid ng kamay at daliri makalipas ang ilang buwan, lalo na kung maiiwasan ang repetitive movements na maaaring magdulot ng CTS.

Samantala, mayroong nonsteroidal anti-inflammatory drugs tulad ng aspirin at ibuprofen ang maaaring gamiting gamot sa short-term pain na dulot ng pamamanhid ng kamay.

Manhid Sa Kamay At Paa. Tusok Tusok Or Peripheral Neuropathy.

Puwede ring irekomenda ng doktor ang corticosteroids para mabawasan ang pamamaga ng kamay. Maaari itong i-inject direkta sa wrist o pulsuhan, o kaya naman ay inumin orally.

Kung epektibo ang corticosteroids sa pasyente pero bumalik din ang sintomas makalipas ng ilang buwan, maaaring irekomenda ng doktor na mag-take ulit ng isa pang dose.

Sa kabilang banda, para sa mga malalang kaso ng pamamanhid ng kamay, pwedeng irekomenda ng iyong doktor na sumailalim ka sa surgery. Maaaring isagawa ito kung hindi epektibo ang mga gamot at tumagal na ng anim na buwan ang mga sintomas.

-

Sakit Sa Puso At Diabetes

Makatutulong ang surgery para bumuti ang pakiramdam ng kamay na apektado ng CTS. Subalit ilang buwan ang dapat hintayin bago tuluyang gumaling at makarecover. Pwede ring tumagal ng ilang buwan bago bumalik sa normal ang lakas ng iyong kamay at kakayahan nitong kumapit.

Maaari ring makaranas ng mga pangkaraniwang side effects ng surgery tulad ng: impeksyon, nerve damage, at pananakit sa paligid ng sugat o pilat. Mahalagang kumonsulta agad sa doktor kapag nakaranas ng side effects lalo na kung ito ay impeksyon matapos ang surgery.

Bago malapatan ng tamang paggamot sa pamamanhid ng kamay at daliri, mahalagang magpakonsulta sa doktor. Ipaalam sa iyong health care provider ang mga sintomas na nararanasan pati na rin ang iyong medical history.

Paano Mawawala Ang Nginig, Ngalay, At Pamamanhid Ng Kamay Ko?

Pagkatapos itong malaman ng doktor, maaaring irekomenda nito ang pagsailalim mo sa mga eksaminasyon para matiyak kung CTS nga ang dahilan ng pamamanhid ng kamay at mga daliri.

Kapag nakitaan ng senyales ng arthritis o trauma ang iyong pulsuhan o wrist puwedeng i-order ng doktor na magpa x-ray ka sa pulsuhan. Gayundin naman kung nahihirapan kang igalaw ang pulsuhan.

Uri ito ng nerve conduction studies kung saan ay titingnan kung nagfufunction ban ang maayos ang median nerve. Susuriin kung gaano ito kabisa sa pagkontrol sa muscle movement.

Lamig O Pasma Sa Katawan: Sanhi, Lunas At Solusyon

Tinatawag din itong wrist flexion test. Uutusan ng doktor ang pasyente na ilapag sa mesa ang mga siko at braso habang hahayaang nakalupaypay ang pulsuhan at mga kamay. Kung mayroong carpal tunnel syndrome ang pasyente, makararamdam ito ng pamamanhid at pakiramdam na tila may tumutusok-tusok sa mga daliri sa loob lamang ng 60 minuto. Kung gaano kabilis na naramdaman ang sintomas ay ganoon din kalala ang CTS na dinaranas.

Maaari rin namang makatulong ang mga sumusunod na hakbang para maibsan ang pananakit at pamamanhid ng kamay at mga daliri. Narito ang mga home remedy na maaari mong subukan:

-

Maaari ring mag-yoga o magsagawa ng hand movement exercise at massages. Subalit walang sapat na pag-aaral na nagpapatunay na epektibo ito para maibsan ang pamamanhid ng mga kamay.

Laging Namamanhid At Nangangalay? There Are Ways To Address It

Makatutulong ang pag-inom ng bitamina tulad ng vitamin B complex para maibsan at maiwasan ang pamamanhid ng kamay. Mahalagang magpakonsulta sa iyong doktor para malaman kung anong bitamina ang mairerekomenda nito para sa pamamanhid ng kamay.

Hindi lang carpal tunnel syndrome ang kondisyon na maaaring magdulot ng pananakit at pamamanhid ng kamay. Mayroong iba pang medical condition na ‘di gaanong pangkaraniwan.

Kaya naman, mahalagang magpatingin sa doktor kung nakararanas ng pananakit at pamamanhid ng kamay at daliri. Sa pamamagitan nito, mas makakatitiyak na tama ang paggamot na gagawin sa karamdaman.

Ano Ang Gagawin Sa Naipit Na Ugat?

General term ito na tumutukoy sa mga kondisyon na nagdudulot ng pamamanhid at pamamaga ng mga kasukasuhan o joints. Maaari itong makaapekto sa lahat ng joints sa katawan kabilang na nga ang pulsuhan at mga daliri. Nagdudulot ito ng hindi magandang pakiramdam sa at puwedeng humantong sa pagbreakdown ng mga joints.

Kondisyon naman ito kung saan ay nakararanas ng pamamaga ng pulsuhan at base ng hinlalaki. Nagdudulot ito ng masakit na pakiramdam tuwing kinukuyom ang mga kamay. O kaya naman kapag nakikipagkamay o handshake.

Tandaang kapag madalas na ang pamamanhid ng kamay at paulit-ulit na itong nangyayari mas maiging magpatingin sa isang doktor. Sa gayon, malaman ang dahilan ng pamamahid ng iyong mga kamay o daliri at mabigyang solusyon ito.

Pamamanhid Ng Kamay: Sanhi, Lunas, At Paano Ito Maiiwasan

Dito sa theAsianparent ilippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent ilippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Home

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!We use cookies to ensure that we give you the best experience on our website. By continuing, to browse our site, you are agreeing to our use of cookies.

Ang mga kamay ang ilan sa mga parte ng katawan na palagi nating ginagamit. Bihira ang activities na hindi nangangailangan ng tulong ng mga kamay para mapabilis at mas maging efficient ang pagtatrabaho. Dahil dito, hindi maiiwasan kung minsan ang makaramdam ng sakit sa ibang bahagi nito. Kapag nangyayari ito, madalas ay dinadaan na lang sa pagpapahinga ng nga kamay, pagpapatunog ng mga buto ng daliri, o ‘di kaya naman ay pagpapamasahe nito sa iba.

Sakit Ng Ulo

Saan nga ba nakukuha ang panginginig, pangangalay, at pamamanhid ng kamay? Tukuyin ang mga sanhi para mabigyan ng tamang solusyon ang mga ito na nakakaapekto sa gawin sa araw-araw.

Bago natin pag-usapan ang iba’t ibang causes ng mga ito, mas mabuti kung maiintindihan muna natin ang pinagkaiba ng bawat isa para mas matukoy kung alin dito ang inyong nararansanan.

Ang panginginig o tremors ay dala ng maraming sanhi. Maaaring toxin sa paligid, pagtanda, stress, pagod, at sobrang pagkonsumo ng caffeine. Ang tawag sa pinaka-common na uri nito ay essential tremor. Kadalasan, ang madalas na panginginig ng kamay lalo na kung ikaw ay gumagalaw ay umpisa pa lamang ng panginginig na mararanasan sa iba pang bahagi ng katawan dahil sa problem sa nervous system. Hindi rin naman dapat ikawalang-bahala ang panginginig ng kamay dahil maaaring senyales ito ng Parkinson’s Disease, multiple sclerosis, at iba pang kondisyon.

Centre For Health Protection

Pagdating naman sa ngalay, ito ang pangangawit at pagkapagod na nararanasan ng kamay at iba pang parte ng katawan lalo na kapag may paulit-ulit na movement na ginagawa. Pwede rin naman itong makuha sa pagiging steady nang matagal na oras. Madalas itong maranasan ng mga taong manual labor ang trabaho gaya ng pagta-type o pag-eencode, pagbabalot ng produkto, pagsusulat, at iba pa. Hindi ito dapat mapagkamalang muscle pain lalo na kung