Malalawak na Lawa Mga Kayamanan ng Kalikasan sa Buong Mundo
‘Di ba’t kay tamis balikan ang alaala ng ating kahapon? Mga ala-alang tunay na kasalungat ng mayroon tayo ngayon? Oo, kay sarap lumingon sa mga panahong dalisay pa ang hanging naglalakabay, noong ang mga puno sa kabundukan ay hindi pa patay, yaong mga oras na malusog pa ang lupa sa mga sakahan at malinis pa ang tubig na dumadaloy sa ilog at karagatan. Marami sa atin ang napapangiti ‘pag ating naaalala ang angking kariktan ng Inang kalikasan. Ngunit alam niyo bang maaari itong hindi lamang maging isang gunita? Sa ating malawak na suporta’t pagkilos, kaya nating ibalik ang nakaraan at gawin itong makatotohanan para sa kasalukuyan.
Tunay kalikasan ang isa sa pinakamakabuluhang nilikha ng Diyos na may angking alindog at yaman na ating napakikinabangan bilang mga tao. Bilang kapalit nito, tayo sana ang maaaring mangalaga at magpanatili sa kagandahang ito. Subalit ‘di maitatanggi na sa halip na pag-alaga ang ating maipunla, kapabayaan ang naipapakita. At sa kapabayaang ito, nabubuo ang iba’t-ibang suliraning pangkalikasan na tayo rin naman ang naaapektuhan. Hindi natin lubos malalaman kung hanggang saan kayang tiisin ng Inang kalikasan ang dagok na kanyang nararanasan. Tama, hindi natin alam kung kalian ang hangganan ng kalikasang unti-unti nang nawawasak.
Kayamanan Ng Kalikasan Sa Buong Mundo title=Sa Aming Mga Kababayan: Isang Liham Para Sa Isang Mas Luntiang Pilipinas style=width:100%;text-align:center; onerror=this.onerror=null;this.src='https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcRnMYHskPmWONVCugj9dJtmbky5ivKsbb46HQlgfceOGtm0I2MppenXHQDog0ItX4-wktE&usqp=CAU'; />
Kasabay ng pagpasok ng ika-dalawampung siglo ang pagsisimula ng pagkasira ng ating mga likas na yaman. Sa pag-usad ng panahon, dumarami ang mga imbensyong naisasagawa dahil na rin sa mabilis na pag-unlad ng teknolohiya dulot ng siyensya’t kaalaman na mula sa iba’t-ibang panig ng mundo. Ang mga ito’y inaasahan ng bawat isa sa atin na maging katuwang ng lahat upang lumago ang ekonomiya ng bansa at mas maging kapakipakinabang ang bawat mamamayan. Ngunit sa kabilang banda, marami sa mga imbensyong ito ang karumal-dumal at sumisira sa kalikasan. Sa mas maliit na perspektibo, ang bansang Pilipinas na itinuturing na Perlas ng Silanganan ay ‘di na gaya nang dati na may angking gabundok na likas na yaman. Marami sa mga ito ang tuluyan nang naglaho dahil sa bagsik ng mga tao at mga bagay na gawa rin ng tao. Maraming magagandang tanawin ang pilit na winawasak para lamang tayuan ng mga gusaling pangkomersiyal na dapat sana ay pinipreserba para sa susunod na mga henerasyon. May mga batas na ring naipasa upang pangalagaan daw ang kalikasan ngunit ni isa rito’y ‘di maayos na naipapatupad. Ang dating luntiang Pilipinas ay unti-unti nang nawawalan ng kulay at nabubulok.
Pinagkukunan Ng Likas Na Yaman Sa Asya3: 2014
Sabi nila, ang lahat ng ito’y bahagi raw ng pagiging moderno ng panahon at nararapat lamang na makisabay ang ating bansa. Ngunit dapat ba inilalagay natin sa alanganin ang ating kalikasan? Isa itong malaking kamangmangan. Maaari naman tayong umunlad nang hindi nasisira ang ating kapaligiran. At tanong naming sa inyo aming mga kababayan, ALAM NIYO BA KUNG PAANO?
MAKIALAM. Sino ng aba ang unang naaapektuhan ng pagkasira ng ating kalikasan? Mga kababayan, TAYO PO. Sa sitwasyong ito, dapat tayong MAKIALAM! Alamin natin ang mga nangyayari sa ating kapaligiran lalo na ang mga suliraning ating dinaranas. Gumawa tayo ng unang hakbang tungo sa iisang layunin: ANG MAS LUNTIANG PILIPINAS. Maraming paraan kung gusto lamang natin. Halimbawa rito ay sundin ang 4Rs na siyang pangunahing adbokasiya ng maraming organisasyong lumalaban upang protektahan ang kalikasan. REDUCE. Ating dalangan o kung magagawa ay iwasan ang paggamit ng mga bagay na nakasisira sa kalikasan gaya ng plastiks, etc. REUSE. Kapag ang mga bagay na meron tayo ay mapapakinabangan pa, maaari nating gamitin ito muli upang hindi tayo tapon nang tapon at mas maiwasan ang pagdami ng basura na siyang pangunahing dahilan ng polusyon. RECYCLE. Maging maparaan tayo. Ang mga bagay na patapon na ngunit ‘di nabubulok ay maaari pang gamitin upang gumawa ng panibagong gamit na mapapakinabangan pa. At panghuli, REFUSE. Huwag tayong, “Oo” nang “Oo”. Kung may mga bagay na dapat tanggihan para sa ikabubuti, gawin natin! Huwag mahiyang tumanggi dahil alam mo namang may patutunguhan ang iyong desisyon. Marami pang ibang bagay na maaari nating gawin. Huwag nating binabalewala ang mga isyung pangkalikasan. Dapat tayong makialam upang makatulong tayo sa pag-unlad ‘di lamang para sa ating sarili kundi pati sa buong bayan.
MAKILAHOK. ‘Di sapat ang makialam lang. Lumahok din tayo sa mga aktibidad na naglalayong iligtas ang ating kalikasan. Ang gawing ito ay humuhubog ‘di lamang sa ating pagmamahal sa kalikasan kundi pati sa ting pagkamakatao’t makabayan dahil ‘pag tayo’y nakilahok, parang tinutulungan na rin natin ang mga kababayan at bayan upang umunlad. Ang mga simpleng pagsali sa mga
Yaman Ng Asya(anyong Tubig At Lupa)
Huwag nang babagal-bagal pa. Halina’t kumilos na! Alam naming sapat na ang kaalamang mayroon tayong mga Pilipino. Sa ilang dekadang pag-aaral sa aspetong ito, ang kulang na lang ay ang pagkilos ng mga mamamayan. Sa modernong panahong ito, maaari rin nating gamitin ang mga
Sa panahon ngayon, marami na ang nagsisisi. ‘Di mabilang na sakuna na ang dumaan sa Pilipinas at nararanasan ito ng marami na siyang nakapipinsala sa maraming buhay at ari-arian. Subalit ang mas masaklap pa ay ang mapagtanto nating ang lahat ng mga iyo’y mula rin sa ating mga kamay. Tayo ang problema. Kaya dapat tayo rin ang maging solusyon!
at iba pa sa Metro Manila. Ang proyektong ito ay ipinapasa upang mabigyang daan ang daloy ng negosyo sa pagitan ng lungsod ng Las Pinas at Paranaque. Subalit ito’y di sapat na dahilan upang sirain ang yamang ito na sisira rin sa tirahan ng maraming ibon at iba pang buhay. Isa pang proyekto nga pamhalaan ay ang reklamasyon ng baybayin ng Maynila para sa paglago ng Negosyo na makakapagdagdag daw ng malaking kita sa bansa. Ito ay isang malawakang pagtatabon ng lupa sa bayabayin. Ngunit hindi naman ang mga mamamayan ang makikinabang sa salaping kikitain ditto kundi ang mga dayuhang namumuhunan at mga malalaking negosyante. Sa halip na makinabang sa mga proyektong ito, maraming tao ang maaapektuhan sa masamang paraan. Ito’y magdudulot ng permanenteng pagbaha,
Araling Panlipunan Grade 8 Module Whole
Samakatuwid, bilang mga mamamayang Pilipino, dapat tayong MAKIALAM, MAKILAHOK ay KUMILOS para sa ikabubuti ng bawat isa. Ngunit kung papairalin natin ang ating kapabayaan, patuloy na masisira ang ating kalikasan at wag tayong mabibigla kung may dumating sa ating ganti ng kalikasan. Sa simpleng pagtapon ng basura sa kanyang dapat kalalagyan at pagbawas sa paggamit ng mga nakasisirang bagay tuad ng plastic, nakatutulong na tayo sa lipunan. Makisali Sa mga programang nagsusulong na iligtas ang Inang kalikasan. Dapat nang kumilos ngayon dahil kung ‘di tayo, sino? Kung ‘di ngayon, kalian? Baka sa mga susunod na araw, magiging huli na ang lahat at tayo’y magsisisi. Tayo’y makiisa at tumulong. Atin nang simulant ang pagbabago ngayon at itaas ang bandera ng ating bansa upang isulong ang nag-iisang layunin – ANG MAS LUNTIANG PILIPINAS PARA SA BUKAS.

Samakatuwid, bilang mga mamamayang Pilipino, dapat tayong MAKIALAM, MAKILAHOK ay KUMILOS para sa ikabubuti ng bawat isa. Ngunit kung papairalin natin ang ating kapabayaan, patuloy na masisira ang ating kalikasan at wag tayong mabibigla kung may dumating sa ating ganti ng kalikasan. Sa simpleng pagtapon ng basura sa kanyang dapat kalalagyan at pagbawas sa paggamit ng mga nakasisirang bagay tuad ng plastic, nakatutulong na tayo sa lipunan. Makisali Sa mga programang nagsusulong na iligtas ang Inang kalikasan. Dapat nang kumilos ngayon dahil kung ‘di tayo, sino? Kung ‘di ngayon, kalian? Baka sa mga susunod na araw, magiging huli na ang lahat at tayo’y magsisisi. Tayo’y makiisa at tumulong. Atin nang simulant ang pagbabago ngayon at itaas ang bandera ng ating bansa upang isulong ang nag-iisang layunin – ANG MAS LUNTIANG PILIPINAS PARA SA BUKAS.
