Maliliit na Bansa sa Buong Mundo Pagtuklas sa mga Mikro-Estado

LUNGSOD NG MAYNILA -- Ang tema ng Buwan ng Wika 2022 ay indikasyon ng patuloy na pagbabantayog ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa mandato nitóng nasasaad sa RA 7104, Section 14 (h) na nag-aatas sa KWF na “magsagawa sa mga antas na pambansa, rehiyonal, at lokal ng mga pagdinig pampubliko, kumperensiya, seminar, at iba pang mga pangkatang talakayan upang umalam at tumulong sa paglutas ng mga suliranin at mga isyung may kaugnayan sa pagpapaunlad, pagpapalaganap, at preserbasyon ng Filipino at iba pang mga wika ng Pilipinas.”

Patunay rin ang tema ng BnW 2022 ng matalik na komitment at pakikiisa ng KWF sa 2022—2032 International Decade on Indigenous Languages ng UNESCO na ang pangunahing lunggati ay itaguyod ang karapatan ng Mámamayáng Katutubo sa malayang pagpapahayag, pagkakaroon ng akses sa edukasyon, at partisipasyon sa mga gawaing pampamayanán gámit ang katutubong wika bílang pangunahing kahingian sa pagpapanatiling buháy ng mga wikang pamana na ang karamihan ay nanganganib nang maglaho.

EducationalMaliliit Na Bansa Sa Buong Mundo Pagtuklas Sa Mga Mikro Estado title=Educational Resources Digest style=width:100%;text-align:center; onerror=this.onerror=null;this.src='https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcQKjp_T63qnJl5lYfMGuO6D2z8bQyOQINwxyIvlr78Nc9LYmJpYbr3cbcy17LoiyJBWwag&usqp=CAU'; />

Pakikiisa rin ito ng KWF sa nagkakaisang panawagan sa likod ng sumusunod na pandaigdigang selebrasyon sa taguyod ng UNESCO: 2022 International Year of Basic Sciences for Sustainable Development; 2022 International Year of Artisanal Fisheries and Agriculture (IYAFA 2022); at 2022 International Year of Sustainable Mountain Development.

Discovering Climate Solutions Rooted In The Soil

Ang tema ng BnW 2022 ay pagkilala sa hindi matatawarang halaga ng basic science research na malimit tukuying pundamental o batayang saliksik na nagsisilbing pundasyon ng kaalamang inilalapat sa applied science. Hindi mapabubulaanan na lahat ng mga dakilang tuklas na bumago sa kasaysayan at paraan ng pamumuhay ng sangkatauhan ay nagmula sa payak na siyensiya (basic sciences). Ayon nga sa kasabihan todays science will be tomorrows technology. Katulad ng wika, ang teknolohiya ay hindi nabubuhay sa vacuum dahil bawat mumunting tuklas ay daan lámang sa pag-usbong ng higit pang dakilang imbensiyon na sa kalauna’y bumabago sa kaligiran ng pamumuhay ng mga tao saan mang sulok ng mundo. Samakatwid, ang pagsasantabi o hindi pagsasaalang-alang sa payak na siyensiya ang maituturing na dahilan kung bakit maraming komunidad o bansa sa mundo ang nananatiling lugmok sa kahirapan. Hindi kailan man uusad ang teknolohiya nang walang pagbibigay-priyoridad sa payak na siyensiya na siyang panulukan o gulugod ng institusyonalisasyon ng pananaliksik at pag-unlad (research and development) na mahalaga sa pag-uswag ng anumang industriya.

Ang IYBSSD ay isang paraan ng pagpaparangal sa ating mga siyentista, imbentor, at mga eksperto sa iba’t ibang larang ng siyensiya lalo’t ayon sa UNESCO: It has been said that, without basic science, there would be no science to apply. Anupa’t ang pagbibigay halaga sa basic sciences ay maihahalintulad sa paghahasik ng binhi tungo sa pagpapatuloy ng magandang búkas ng bawat lipunan.

Kayâ sa tuwing gagamit táyo ng computer, smart phones, QR codes, at iba pang dakilang imbensiyon, alalahanin din natin ang ating mga siyentista na gumugol ng mahabang panahon sa mga laboratoryo, aklatan, at iba’t ibang lunan na nagbigay-daan sa napakaraming tuklas na nagdudulot ng maraming pakinabang sa ating pang-araw-araw na pamumuhay.

Educational Resources Digest

Maiiwasan ang tunggaliang o banggaan sa pagitan ng katutubong kaalaman sa agrikultura at medisina kung mabibigyan ng pagkakataon na masuri sa pamamagitan ng maagham na pamamaraan ang mga katutubong paniniwala ukol sa mga halamang gamot na inaasahang makapagdudulot ng malaking benipesyo sa bawat komunidad o bansa.

Sa bulubunduking mga lugar sa Pilipinas, maaaring maging kapaki-pakinabang ang katutubong kaalaman ukol sa irigasyon at pamamahala sa patubig, inhenyeriya, at paraan ng pagtatanim at pag-aani mula sa mga kababayan nating Ifugao. Hindi kailangang malagay sa panganib o maisakripisyo ang mga katutubong kaalaman o karungang-bayan nang dahil sa pagbulusok ng mga tuklas sa larang ng siyensiya at teknolohiya dahil maaari itong mapag-ugnay ng mga payak na siyensiya.

Anupa’t mahalagang maigalang ang payak na siyensiya partikular na sa akademya sapagkat ang unti-unting pagkawala ng natural sciences ang siyá ring pumapatay sa oportunidad na magtagpo, matuto, at magpalitan ng kaalaman ang mga siyentista at miyembro ng komunidad ukol sa higit na epektibong pangangalaga sa ating kapaligiran.

Inskripsiyon Sa Binatbat Na Tanso Ng Laguna

Ayon pa kay Paul K. Dayton (2003), we must reinstate natural science courses in all our academic institutions to ensure that students experience nature first-hand and are instructed in the fundamentals of the natural sciences. Sa ganitong sitwasyon, napakahalaga ng mga katutubong wika sa pagtatawid ng kaalaman sa pagitan ng mga eksperto sa siyensiya at miyembro ng bawat komunidad.

Ito rin mismo ang panawagan ng 2022—2032 International Decade on Indigenous languages ng UNESCO na ang pangunahing lunggati ay itaguyod ang karapatan ng Mámamayáng Katutubo sa malayang pagpapahayag, pagkakaroon ng akses sa edukasyon, at partisipasyon sa mga gawaing pampamayanán gámit ang katutubong wika bílang pangunahing kahingian sa pagpapanatiling buháy ng mga wikang pamana na ang karamihan ay nanganganib nang maglaho.

Anupa’t napakahalaga ng paggamit ng mga katutubong wika sa sistemang pangkatarungan, media, at mga programa ukol sa paggawa at kalusugan. Isinasaalang-alang din ang potensiyal ng teknolohiyang dihital sa pagtataguyod at preserbasyon ng mga nabanggit na wika. Hinggil sa kung bakit mahalaga ang pagbibigay priyoridad sa mga Katutubong Mámamayán at sa kanilang komunidad?

RoodQ8

Pocoyo Abc Adventure: Alphabet

1) Ang mga Katutubong Pámayanán ang bumubuo sa 22% ng kalupaan at 80% ng biological diversity ang nása pangangalaga ng mga itó.

2) Sa pagkawala ng mga Katutubong Pámayanán, “naglalaho din ang biodiversity, at ng sapat na mapagkukunan ng pagkain.” (Kichwa Cotopaxi at Otavalo indigenous activist Ninari Chimba Santillan)

3) Mahalaga ang pangangalaga sa mga Katutubong Pámayanán upang maagapan ang patuloy na pagkawala ng 40% ng mahigit 7, 000 wika sa mundo, batay sa pagtatáya ng United Nations Permanent Forum on Indigenous Issues.—The UNESCO Representative in Mexico, Frédéric Vacheron

Araling Panlipunan Grade 8

Ang mga kabundukan ang nagsisilbing tahanan ng halos kalahati ng biodiversity sa mundo. Napakahalaga ng pangangalaga sa ating mga kabundukan laban sa banta ng climate change at mga mapaminsalang kilos o gawi ng mga tao. Bukod sa nagsisilbi itong tahanan ng mga flora at fauna na napakahalaga sa pag-iral ng sangkatauhan, sa ating mga kabundukan din nagmumula ang halos kalahati sa suplay ng tubig na pinakikinabangan ng mga pamayanan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig [Kohler, Humi, Giger, at Ott (2010)].

Sa mga katutubong wika nakaimbak ang malawak na kaalaman ng bawat komunidad ukol sa kanilang paligid na magtagumpay nilang natipon at naisalin sa pagitan ng mga henerasyon (Rÿser 2011). Ang pamilyaridad ng mga katutubo sa kagubatan ay nagtataglay ng mga karunungan, paniniwala, at gawi na siyang nagbigkis at nagpapatibay sa ugnayan sa loob ng isang pamayanan. Anupa’t ang preserbasyon ng ating mga kagubatan at kabundukan ay pagsisinop din ng kanilang halagahang kultural.

QuoVadis

Ang kabundukan ay malaon nang nagsisilbing tahanan ng maraming katutubong pamayanang kultural at mahalagang maisangkot silá sa lahat ng diskusyon o diyalogo partikular na sa mga usaping may tuwirang epekto sa kanilang pag-iral. Kailangang kilalanin ang kanilang kultura at tradisyon lalo na ang kanilang mga wika upang mabigyan silá ng sapat at makatwirang representasyon. Mabisang napangangalagaan ng mga katutubong mámamayán ang kani-kanilang kagubatan sa pamamagitan ng kanilang mga katutubong kaalaman na mula pa sa kanilang mga ninuno. Ayon pa kina Camacho, Gevaña et al (2015): Notwithstanding the transformations of many indigenous knowledge systems in the Philippines, there remain intact traditional forestry practices that help promote sustainable forest management. Magandang simula ang pagbibigay-representasyon sa mga katutubo lalo’t 14–17 milyon ng populasyon ng

The Pope Video

Pilipinas ay nabibilang sa mga katutubong pamayanang kultural na kabilang sa 110 etnolingguwistikong pangkat na ang karamihan ay nása Hilagang Luzon (33%), Mindanao (61%), at ang iba pa ay matatagpuan sa ilang bahagi ng Visayas (UNDP, 2010).

Napakayaman ng kaalamang pangkalikasan ng mga katutubo. Magandang tingnan ito sa pamamagitan ng kanilang wika—kung paano ito makalilinang ng kulturang pangkalikasan, lalo na sa panahon ngayon na may krisis sa kalikasan na kailangang agapan.

Ang IYAFA 2022 ay isang panawagan túngo sa responsableng pagkonsumo sa mga biyayang mula sa ating mga yamang-tubig at yamang-lupa. Kinikilala rito ang mahalagang gampanin ng karaniwang mangingisda maging sa mga nagmamantine at manggagawa sa mga industriya ng pangisdaan túngo sa pagkakaroon ng seguridad sa pagkain at pagpapababa ng antas ng kahirapan. Isa rin itong panawagan sa malalaking industriya na maging responsable kasabay ang pagdidiin sa halaga ng patuluyang pag-unlad sa pamamagitan ng makatwirang paggamit o pagkonsumo ng ating mga likás na yaman.

Kasaysayan Ng Asya (modyul 1) Araling Panlipunan Grade 8

Layunin ng IYAFA 2022 na maitaas ang kamalayan ng mga itinuturing na small-scale fisheries at aquaculture para sa pagpapalakas ng inter-aksiyon sa pagitan ng mga komunidad at stakeholders túngo sa pagpapatatag ng suplay ng pagkain sa mundo. Sa ganitong paraan, unti-unting mababawasan ang kahirapan.

Espanya

Ito ay nangangahulugang “likha o gawa ng kamay” at ginagamit upang ilarawan ang mga produktong likha ng mga eksperto o skilled workers. Nauukol ito sa maliliit na komunidad o pamilyang ang ikinabubuhay ay panghuhúli at pagbebenta ng isda.

Saklaw rin nitó ang tradisyonal na pag-aalaga o aquaculture. Tumutukoy rin ito sa paggamit ng maliliit na kapital, sasakyang gámit sa panghuhúli na hindi gaaanong lumalayo sa mga baybayin; at ang dahilan ng pagpalaot ay para lámang sa lokal na pangangailangan o pagkonsumo.

Public Briefing #laginghandaph Hosted By Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio

Ang pagpapalaganap ng mga kabatiran ukol sa artisanal fishery ay isang paraan upang labánan ang malabis na pangingisda o overfishing na hindi lámang nag-iiwan ng pinsala sa ating mga karagatan kundi nagkakait din ng oportunidad sa maliliit na mangingisda na magkaroon ng akses sa ating yamang-tubig at mamuhay ng marangal. Tinatayang sangkatlo o one third (31.4%) ng stocks ng isda sa mundo ay maituturing na overfished ayon