Mga Fiesta sa Pilipinas Tradisyon, Pagdiriwang, at Kasiyahan

Angpistaay isa sa mga malalaking pagdiriwang na ginugunita bawat taon sa iba’t ibang dako ngPilipinas. Tampok dito, saan mang lugar sa kapuluan, ang mga makukulay na parada, mga katutubong seremonya, sayawan, paligsahan, at masasaganang handaan. Ang panahon ng kapistahan ay isa rin sa mga pinaka-inaabangang pagdiriwang na patuloy na dinarayo ng mga turista taun-taon.

Isa lamang ang pista sa mga tradisyong nakaugalian na ng mgaFilipinobago pa man dumating ang mga dayuhang mananakop ng bansa bilang pag-alaala at pasasalamat sa diyos ng kalikasan at espiritu ng kani-kaniyang mga ninuno. Ngunit sa paglipas ng panahon, naging bahagi na rin ng pagdiriwang ang ilang sa mga kaugalian at paniniwala ng mga Espanyol-- na siyang may pinakamalaking kontribusyon sa kulturang Pilipinas.

​AngSenakuloay tradisyonal na pagsasadula ng mga pangyayari hinggil sa mga dinanas ni Hesukristo bago at pagkaraang ipako siya sa krus. Hango ang nasabing tradisyon sa Bibliya at iba pang tekstong apokripa. Kadalasang ginaganap ito sa lansangan o kaya'y sa bakuran ng simbahan. Ang magkakaibigan, magkakamag-anak, at magkakababayan ay magkikita-kita upang panoorin at palakasin ang loob ng mga tauhan sa dula. Ang mga kasuotan ng mga gumaganap ay ginagad sa suot ng mga kawal na Romano at iba pang personalidad at kasaysayan at may matitingkad na kulay. Ang mga manonood naman ay may baong sariling upuan at pagkain upang hindi sila mainip sa panonood. Karaniwan ding makikita ang iba't ibang tindahan na nakapaligid sa pinagdarausan ng senakulo. Hindi man atentibo sa panonood ang ilang tao ay madali pa ring masundan ang takbo ng pagsasadula sapagkat pamilyar ang bawat mga eksena.

Aliwan Fiesta 2013 Schedule And Activities

​AngSimbang Gabiay isa sa mga pinakamatagal at pina-popular na kaugalian ng mgaFilipinotuwing Kapaskuhan. Ito ay kilala din sa tawag naMisa de Gallona ang ibig sabihin ay Mass of the Rooster o Misa ng Tandang. Ang tradisyon na ito ay mahalaga sa bawat Pilipino sapagkat ito ay simbolo ng pagdating ni Hesucristo. Ang Simbang Gabi ay serye ng siyam na araw na nobena para kayBirheng Mariana nag-uumpisa tuwing Disyembre 16 at nagtatapos sa Disyembre 24.

Ang Simbang Gabi ay nagsimula pa noong panahong 1660 kung kailan bago pa lang nagkakaugat ang kristyanismo sa Pilipinas. Upang maghanda sa nalalapit na kapanganakan ni Hesus tuwing Kapaskuhan, ang mga misyonaryong prayle ay nagsasagawa ng siyam na magkakasunod na araw na misa upang ikintal sa isipan ng mga Pilipino ang halaga ng Katolisismo at panatilihin ang mga kaugalian ng isang Katoliko.

O tandang sa wikang Filipino. Sa pagtilaok ng tandang pa lamang ng tandang sa madaling araw, ang bawat pamilya ay gumigising at tumutuloy sa pinakamalapit na simbahan. Pagkatapos ng misa ng alas-singko, sila ay tumutuloy na sa kabukiran upang simulan ang kanilang gawain. Simula noon, ito na ay naging isang relihiyosong tradisyon na naipasa sa bawat henerasyon.

The 5 Best Visayas Events (updated 2023)

Kung saan ang nangungunang adhikain nito ay pasidhiin ang pagmamahal kay Hesus. Ang pagsisimba ng magkakasunod na siyam na araw ay pagpapakita ng mga deboto lalo na ng mga Katoliko ang kanilang paniniwala at pananampalataya sa kanilang relihiyon gayun din ang pag-aasam sa selebrasyon ng kapanganakan ni Hesus.

Kasabay sa pagsisimba ng siyam na araw ay ang paniniwala ng mga Filipino na kapag ang nobena na ito ay nabuo ng isang deboto, ang kaniyang hiniling na pabor ay matutupad o maibibigay ng Panginoon.

Ang mga Katolikong simbahan ay nagbubukas ng alas-kwatro ng umaga upang tanggapin ang mga parokayano sa pagdiwang ng simbang gabi. Sa ibang simabahan naman ginaganap ang

Pista Ng Tanduyong