Sakit ng Kalingkingan Mga Sanhi at Paggamot

MAIKLING KASAYSAYAN ISA PANG BAYANI ... SINULAT NI JUAN L. ARSCIWALS (Kasapi sa Ilaw at Panitik) KASAYSAYANG MANGGAGAWA na nagkagantimpala sa Timpalak-Panitik ng Kapisanang Balintawak ng 1915, sa ilalim ng sagisag na: Maktan AT MGA PANGUNANG SALITA NI G. Carlos Ronquillo (Tagapamahala ng Taliba ) UNANG PAGKAPALIMBAG Maynila, S.P. 1915 IMPRENTA Y LIBRERIA DE P. Sayo Vda. de Soriano Rosario 225 Plaza del Conde 1008, Binondo y Azcarraga 552, Tondo.

Samantalang ang pagmamahal sa sariling kapakanan at kagalingan ng mga manggagawa sa Pilipinas ay hindi isinasailalim ng kapakanan at kagalingan ng marami, ang kabusabusan ay di mawawala at ang liwayway ng Kalubusan ay ni mamamanaag.

TheKalingkingan Mga Sanhi At Paggamot title=The Project Gutenberg EBook Of Isa Pang Bayani..., By Juan L. Arsciwals style=width:100%;text-align:center; onerror=this.onerror=null;this.src='https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcR2p-noR0CHhRwaZX4UM7BJGXmQKKgGSIt4KjXOksdZBQZ4ztgd5_An-9quZFPee2A_t64&usqp=CAU'; />

Puhunang walang puso at mapanginis; manggagawang napaghaharian ng biglaang simbuyo ng loob at napasusuko ng munting siphayo; aklasang sa tabi-tabi lamang pinagkakaisahan at hindi bunga ng isang pagliliming mahinahon; isang Pablong napakakasangkapan sa Puhunan, sa bísa ng masasarap na pangako at isang Gervasiong puno ng aklasan nguni't alagad ng kahinaang loob at ng kawalang-pagasa; isang Maurong masugid na alagad ng Bagong Panahon nguni't mahinahong gayon na lamang, at kahinahunang hindi nagtapos sa mabuti kundi sa loob ng bilangguan; saka aklasang sa gulo natapos at namatay sa kusang pagpatay ng manggagawa rin ... iyan ang sa aklat na ito ng kaibigang Arsciwals ay boong liwanag na naglalarawan.

Covid 19 Paano Naipapasa

May palagay akong, maliban sa Páhiná IVilang pangyayaring katha, ang lahatlahat na ay ulat lamang ng isang pangyayaring tunay na nasaksihan ng may akda. Kung kaya, maliban na lamang sa ilang kulay na naiiba, ang lahatlahat na ay siyang tunay na kulay ng mga pangyayaring malimit masaksihan natin sa pagaaklasan dito. Walang pinagibhan ni munti. Kilusan at mga tao ay iyan na walang inibhan. Kung kaya, maaaring sabihing sa maikling kasaysayan ay nakuhang ilarawang ganap ng kaibigang Arsciwals ang samang magpahangga ngayo'y siyang tunay na sanhi ng pagkaunsiyaming kalungkotlungkot ng halamang tanim ng mga de los Reyes, Lope K. Santos at H. Cruz at inalagaa't inaalagaan ng mga J. Kalimbas, D. Ponce, F. Mendoza, mga Soriano, A. de Jesus, C. Evangelista, P.H. Santos, G. Masangkay, A.P. Gonzales. V. Basilio atbp.

Nariyan nga ang sama at maliwanag na nalalarawan sa harap ng Páhiná Vlahat. ¿Kailangan kayang lunasan? Hindi kailangang itanong. Nguni't ¿sa paanong paraan? Iyan ang tanong, na kung nang mga nagdaang sampung taon ginawa ay marahil noo'y pagaalinlanganan pang sagutin. Upang sabihin ang totoo, sa loob ng mga araw na ito ay hindi na kaila kanino man kung ano ang lunas na nararapat ikapit diyan. Ang suliranin at kilusang manggagawa sa Pilipinas ay na sa gitna na ng landasin at ang araw ng sosyalismo'y malaon nang namanaag at ibig nang magtanghaling tapat. Kung kaya, bihirangbihira na ang di nakatatalos. At iyang kapuripuring kilusan ngayon na patungo sa pagbubuo ng mga Trade Unions, kilusang pinagpasimunuan ng matatalinong manggagawa, sa limbagan at boong siglang pinagsusumundan ngayon ng mga kapatid ni Mauro, ay siyang nagpapatotoo sa sabi.

Sa bisa nga ng ganyang kilusan Páhiná VIay maaaring asahang sa araw ng bukas ay magiging parang pangarap na lamang ang larawang guhit ng makisig na pinsel ni Arsciwals: ang sama ay lubusang mawawala. At ni isang Pablo, ni isang Gervasio at isa mang manggagawang balisawsawin, ay wala nang makikita. Magiging Mauro ang lahat, sapagka't ang lahat ay makaliligtas na sa bulag na isipan at sa duwag na guniguni, at pag nagkaganyan na'y mawawala na naman at di masasaksihan ang mga welgang lansangan at aklasang sa pabiglabigla. At ang isip ay lulusog, at ang puso ay titibay.

Mababang Sakit Sa Likod

Ganito ang aking pag-asa at paniwala. At sa bisa ng paniwalang ito ay kung kaya nasukat ko at napagabot ang kahalagahan ng akdang ito ni Arsciwals. Nakikinikinita kong sa likod lamang ng maiksing panaho'y lubos nang mawawala ang dito'y inilarawan ng may akda, at dahílan dito'y ¿ano at bakit nga di magkakahalaga Páhiná VIIito sa ang akdang ito'y magiging pangpagunita sa kalunoslunos na kahapon ng suliraning manggagawa rito? Dahil na dahil man lamang dito, at huwag na sa iba pa, ay labis nang ikagalak at purihin ang pagkakapaglathala dito.

Sa paglalathala ko ng̃ aklat na itó ay wala akong nasang iba, liban na sa mailantad sa harap ng̃ madla ang isang karaniwang sakit na siyang pumapatay na madalas sa masisiglang kilusan ng̃ mg̃a anak-pawis sa Pilipinas; sakit na hangga't nagtatagal at lumalaon ay lumilikha ng̃ libolibong kasawian sa buhay at sa kapalaran ng̃ mg̃a manggawang pilipino; at sakit na kung di aagapan ng̃ lunas ng̃ mg̃a may tungkulin ay siyang pagbubuhatan ng̃ lubos at ganap na pagkapariwara ng̃ lalong magaganda at dakilang kilusán ng̃ mg̃a kawal ng̃ bisig.

Hindi ko nasa ang maglahad ng̃ anomang tuntunin ukol sa bagay na ito sapagka't hindi pa ako karapatdapat sa gayon; subali't, nais kong kahi't bahagya ay makatulong sa paghanap ng̃ sakit na pinagbubuhatan ng̃ untiunting pagkamatáy ng̃ masisigla at mahahalagang kilusan ng̃ ating mg̃a manggagawa, upang Páhiná Xpagkatapos ay mailantad sa haráp ng madla, na walang anomang takip at hubad na hubad.

February 10, 2017 Bulgar: Boses Ng Pinoy, Mata Ng Bayan

¡Nariyan ng̃a ang sakit! At ang mg̃a nagtataguyod sa buhay at kapalaran ng̃ mg̃a anak-pawis sa Pilipinas ay siyang unaunang nararapat na humanap ng̃ lunas upang sa lalong madaling panahon ay magamot ang sakit na nasabi.

Ipinagtatapat ko rin naman, na, sa pagsulat ko ng̃ kasaysayang ito ay hindi ko nasang sugatan ang damdamin ng̃ sino at alin mang tao ó Kapisanang Manggagawa; at ang nagudyók sa akin sa ganitó ay ang sa mula't mula pa'y magandang nais na makita sa lalong madali ang pagliwayway ng̃ ganap na Katubusan ng̃ mg̃a mangagawang pilipino, maging anoman ang kahalaga ng̃ Katubusang ito.

Sa wakás ay malugod at buong puso kong inihahandog ang Munting Kasaysayang ito, sa lahat at bawa't isa ng̃ mg̃a manggagawang pilipino at gayon din sa mg̃a matatalinong makamanggagawa na nagtataguyod sa buhay at kapalaran ng̃ mg̃a anák-pawis dito sa atin.

Bukol

Old Filipino Dictionary Pdf

Kun sa palagay ninyo, mg̃a manggagawang pilipino na makababasa sa Kasaysayang Páhiná XIkalakip nito, ang kanyang mg̃a nilalama'y walang kahaláhalagá sa harap ng̃ mg̃a suliraning manggagawa sa Pilipinas ay ipalalagay ko rin, na ako'y walang sinulat na anoman, at ang Kasaysayang ito ay ituring ninyo na isang panaginip ng̃ sumulat ó isang pang̃arap lamang ng̃ diwa kong umaasa sa Tagumpay ng̃ Paggawa sa ibabaw ng̃ Puhunan....

Umaga ng̃ ika 29 ng̃ Hunio ng̃ 1914. Ang maluwang na daang Azcarraga, sa dakong Tundo sa panulukan ng̃ daang Ilaya, na kinatatayuan ng̃ isang malaking pagawaan ng̃ tabako, ay marami ang nagtayong mg̃a manggagawa; mg̃a babai't lalaki, matatanda't bata.

Sa anyo't pagmumukha ng̃ lahat at bawa't isá sa kanila ay nalalarawan ang isang malaking pagkainip, pagkainip na kinababadhaan ng̃ pananabik ng̃ kanilang mg̃a puso sa isang mahalagang bagay mandin na ibig malaman.

Mga Kailangan Mong Malaman Ukol Sa Heat Stroke

Doon, sa dako ng̃ dulaang Rizal, ay isang pulutong ang makikita; nang̃aguuPáhiná 14sap at nagtatatalong mainitan. Sa dako pa rito, sa tapat ng̃ Botika Morelos ay isá pang pulutóng; pulutóng na kinabibilang̃an ng̃ maraming kabai.

Saa't saan man, at ang lahat halos ng̃ dako ng̃ panulakán ng̃ mg̃a daang Azcarraga at Ilaya, ay kakikitaan ng̃ maraming mg̃a manggagawa na ang mg̃a mata ay pawang napapako sa iisang pook; sa maluwang na pinto ng̃ isang malaking bahay, ng̃ bahay pagawaan ng̃ tabako na kanilang pinapasukan.

False

At ang tanong na itó'y hindi napang̃ahasang sagutin ng̃ sino man sa mg̃a kaharáp, at sa mg̃a labi ng̃ bawa't nakarinig ay waring napabitin ang kasagutan.

Sintomas Ng Anemia: Pasa Sa Katawan Anemia At Gamot Para Rito

Walang ginawa ang marami kundi sa pintuang pinagmamalas na lagi ay ipako ang mg̃a mata, at nang wala ring makitang anoman ay agad na binawi ang mg̃a paning̃in upang sa mg̃a kalipon ay ibaling.

Nang araw na sinundan, ang mg̃a manggagawang nasabi ay tumanggap ng̃ isang babalang buhat sa mg̃a may-ari ng̃ pagawaan, at doo'y ipinababatid sa kanila na sa kinabukasan ay ibababa ang upa sa lahat ng̃ mg̃a vitola na kanilang ginagawa.

Pagkatanggap nila ng̃ gayon babala, at sa pang̃ang̃asiwa ng̃ pangulo ng̃ Kapisanan nilang natatayo sa loob ng̃ pagawaan ay nagsipagpulong ang lahat, at doon ay pinagusapan ang nararapat nilang gawin.

Sakit Sa Tagiliran

Pagkatapos ng̃ isang mahaba at mainitáng pagtatalo ay pinagkaisahan ng̃ lahat, na magsugo ng̃ isang Lupon sa mg̃a mamumuhunan, upang maipabatid na sa Páhiná 16dating mababang upa na kanilang itinatanggap sa bawa't vitola ay hindi na nila matatanggap pa ang pagbababang gagawin; at tuloy na ipinamanhik sa nahalal na Lupon na mangyaring gawin nila ang lahat nang magagawa, upang sa mapayapang pagmamatwid, ang mg̃a mamumuhunan ay magbagong pasyá.

Pantal

Ang nang̃ahalal na Lupon ay ang pang̃ulo na rin ng̃ kanilang Kapisanan na nagng̃ang̃alang Gervasio Sarili at si Mauro Alvarez. Sa dalawang ito ay tatlo pa ang isinama na pawa namang mg̃a kasama nila sa pagawaan at sa Kapisanan.

Ang mg̃a ito ay siya nilang pinagkayarian sa pulong na idinaos sa kinahapunan ng̃ pagkatanggap nila ng̃ babala; kaya't nang umagang yaon ng̃ ika 29 ng̃ Hunio, at sa pook na naiulat na sa dakong una, ang mg̃a dukhang anák-pawis, ang mg̃a manggagawang tabakero na nagkakatipon sa iba't ibang súlok at hayág na pook ng̃ mg̃a daang Ilaya at Azcarraga, ay sabik na sabik at iníp na iníp na halos sa paghihintay sa kahahanggaPáhiná 17nan ng̃ paguusap, na nang mg̃a sandaling yaon ay idinadaos ng̃ nahalal na Lupon ng̃ mg̃a manggagawa at ng̃ mg̃a mamumuhunan.

Epekto Ng Air Pollution Sa Ating Kalusugan

Sa malaking pintuan ng̃ pagawaan, ang bawa't tao ó mg̃a taong makita nilang lumabás at lumalabas, akala