Uri ng mga Relihiyon sa Buong Mundo Pag-unawa at Pagtuklas sa mga Paniniwala

Ang relihiyon ay isang kalipunan ng mga sistemang paniniwala, mga sistemang kultural at pananaw sa daigdig na nag-uugnay ng sangkatuhan sa espiritwalidad at minsan ay sa moralidad.

Ang maraming mga relihiyon ay may mga mitolohiya, mga simbolo, mga tradisyon at mga sagradong kasaysayan na nilalayon na magbigay kahulugan sa buhay o ipaliwanag ang pinagmulan ng buhay o sansinukob. Ang mga ito ay humahango ng mga moralidad, etika, mga batas relihiyoso o pamumuhay mula sa mga ideya nito ng kosmos at kalikasan ng tao. Tinatayang may mga 4, 200 relihiyon sa mundo sa kasalukuyan.

MgaBuong Mundo Pag Unawa At Pagtuklas Sa Mga Paniniwala title=Mga Pangunahing Relihiyon Sa Mundo style=width:100%;text-align:center; onerror=this.onerror=null;this.src='https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcT3DlPro3mDAiNEvyBOK0c45SHRpKeBsL5gBP-tpkXiij8iX5i62xfNqOqi04Wfg5qzzE4&usqp=CAU'; />

Ang karamihan ng mga relihiyon ay may organisadong mga pag-aasal, pinuno (gaya ng kaparian at pastor) o tagapagtatag, isang depinisyon ng kung ano ang bumubuo sa pagiging kasapi o pagsunod dito, mga banal na lugar at mga kasulatang relihiyoso. Ang pagsasanay ng relihiyon ay kinabibilangan rin ng mga ritwal, mga sermon, mga pag-alaala o benerasyon ng isang diyos, mga diyos o mga diyosa, mga paghahandog, mga pista, mga transiya, mga inisiasyon, mga puneral, mga matrimonyo, meditasyon, panalangin, musika, sining, sayaw, o iba pang mga aspeto ng kultura ng tao.

Iba T Ibang Relihiyon Sa Asya

Ang salitang relihiyon ay minsang ginagamit upang ipalit sa pananampalataya. Gayunpaman, ayon kay Émile Durkheim, ang relihiyon ay iba sa pananamapalataya o paniniwalang pansarili o pribado dahil ang relihiyon ay isang panininiwala na natatanging pang panlipunan.

Ang salitang Tagalog na relihiyon na hinango sa Espanyol na religión o Ingles na religion mula sa Lumang Pranses na religion (pamayanang reliyoso) mula sa Latin na religionem (nom. religio) paggalang sa sagrado, paggalang para sa mga diyos, obligasyon, pagbubuklod sa pagitan ng tao at mga diyos ay hinango mula sa Latin religiō na ang pinagmulan ay hindi maliwanag. Ang posibilidad ay isa itong paghango mula sa muling kinopyang *le-ligare na isang interpretasyong mula kay Cicero na nag-uugnay ng lego (basa), i.e (muli) + lego sa kahulugan ng pagpili, muling suriin o maingat na isaalang alang. Ang mga modernong skolar gaya nina Tom Harpur at Joseph Campbell ay pumapabor sa paghango mula sa ligare buklod, umugnay na malamang ay mula sa may panlaping re-ligar i.e. re (muli) + ligar (muling makipag-ugnayan) na pinasikat ni Augustine kasunod ng interpretasyon ni Lactantius. Ang paggamit mediebal ay pumapalit sa orden sa pagtatakda ng mga magkakabuklod na pamayan tulad ng mga orden na monastiko. Ayon sa pilolohistang si Max Müller, ang ugat ng salitang Ingles na religion na salitang Latin na religio ay orihinal na ginamit upang pakahulugan lamang ang paggalang sa diyos o mga diyos, maingat na pagninilay nilay ng mga bagay na pang-diyos, kabanalan na karagdagan pang hinango ni Cicero upang pakahulugang dilihensiya. Inilarawan ni Max Müller na ang maraming mga ibang kultura sa buong mundo kabilang ang Ehipto, Persia at India bilang may isang katulad na istruktura ng kapangyarihan sa puntong ito ng kasaysayan. Ang tinatawag ngayong sinaunang relihiyon ay kanila lamang tinatawag na batas.

Ang persentahe ng populasyon sa mga bansang Europeo na tumugon sa survey noong 2005 ng paniniwala sa diyos. Ang mga bansang Romano Katoliko (Poland, Portugal atbp), Silangang Ortodokso (Gresya, Romania, Cyprus etc) o Muslim (Turkey, Cyprus) ay may pinakamataas na persentahe ng populasyon na may paniniwala sa diyos.

Pilipino Ako, Pilipino Tayo: Kultura, Paniniwala, At Pagpapahalaga Ng Pagiging Mamamayan Na Asyano

Ang tinatayang kinabibilangang mga relihiyon ng populasyon ng daigdig ay: 33% sa Kristiyanismo, 20% sa Islam, kaunti sa 1% sa Hudaismo, 6% sa Budismo, 13% sa Hinduismo, 6% sa tradisyonal na relihiyong Tsino at 7% sa iba't ibang mga relihiyon.

Ang karamihan ng mga relihiyong ito ay naniniwala sa isang diyos o mga diyos. Ang 15% ay hindi relihiyoso. Ang isang pandaigdigang poll noong 2012 ay nag-ulat na ang 59% ng populasyon ng daigdig ay relihiyoso, ang 23% ay hindi relihiyoso at ang 13% ay mga ateista.

Ayon sa isang poll, ang mga bansang may pinakamataas na populasyon ng mga ateista ang Tsina, Hapon, Czech Republic, Pransiya at Alemanya.

Relihiyon Sa Pilipinas

Sa poll ng mga relihiyon, ang mga Hudyo ang pinaka hindi relihiyoso. Ang tanging 38% lamang ng populasyong Hudyo sa daigdig ang tumuturing sa kanilang mga sarili na relihiyoso samantalang ang 54% ng populasyong Hudyo sa daigdig ay hindi-relihiyoso.

Sa paghahambing, ang 97% ng mga Budista, 83% ng mga Protestante at 74% ng mga Muslim ay tumuturing sa kanilang mga sarili na relihiyoso.

Sa Israel, ang mga 50% ng mga Israeli na ipinanganak na mga Hudyo (sa etnisidad) ay tumuturing sa kanilang mga sarili na sekular o hilonim (hindi relihiyoso). Ang bilang ng mga atheista at agnostiko sa Israel ay mula 15% hanggang 37%. Ang mga ateistang Hudyo ang mga ipinanganak na Hudyo sa etnisidad ngunit naging mga ateista.

-

Welcome To Temple Beth Zion, Buffalo New York's Largest Reform Jewish Congregation

Ang pinakamaagang ebidensiya ng mga ideyang relihiyoso ay mula sa ilang mga daang libong taong nakakalipas hanggang sa mga panahong Gitna at Mababang Paleolitiko. Tinutukoy ng mga arkeologo ang maliwanag na mga intensiyonal na libingan ng mga sinaunang homo sapiens (hindi modernong homo sapiens) mula sa 300, 000 BCE bilang ebidensiya ng mga ideyang relihiyoso. Ang ibang mga ebidensiya ng ideyang relihiyoso ay kinabibilangan ng mga simbolikong artipakto mula sa Gitnang Panahong Bato sa mga lugar sa Aprika. Gayunpaman, ang interpretasyon ng mga artipaktong ito sa mga ideyang relihiyoso ay nananatiling kontrobersiyal. Ang mga ebidensiyang arkeolohikal sa mas kamakailang mga panahon ay hindi kontrobersiyal. Ang pinakamaagang hindi pinagtatalunang ebidensiya ng intensiyonal na libingan ay mula 130, 000 BCE kung saan ang mga neanderthal ay naglibing ng kanilang mga namatay sa mga lugar gaya ng Krapina at Croatia.

Ang isang bilang ng mga artipakto mula sa Itaas na Paleolitiko (50, 000-13, 000 BCE) ay pinaniniwalaan ng mga arkeologo bilang kumakatawan sa mga ideyang relihiyoso. Ang halimbawa ng mga artipaktong ito ay kinabibilangan ng taong leon, mga pigurinang Venus, mga pinta sa kweba mula sa Kwebang Chauvet at ang detalyadong libingang ritwal sa Sungir. Ang pinakamaagang alam na paglibing ng isang shaman ay mula 30, 000 BCE.

Ang organisadong relihiyon gaya ng mga relihiyon sa kasalukuyan ay nag-ugat sa rebolusyong Neolitiko ca. 11, 000 BCE sa Malapit na Silangan. Ang tinahanang lugar ng Çatalhöyük, Anatolia, Turkey sa panahong Neolitiko ay tinahanan ng mga 8, 000 katao. Ito ay pinaniniwalaang ang espiritwal na sentro ng Anatolia.

San Judas Thaddeus

Ang kapansing pansing katangian ng lugar na ito ang mga pigurinang babae nito na kumakatawan sa babaeng diyosa ng uring inang diyosa. Bagaman ang mga diyos na lalake ay umiiral rin, ang mga estatwa ng diyosang babae ay mas marami sa diyos na lalake.

Ang mga pigurinang ito ay pangunahing natagpuan sa mga lugar ng Mellaart na pinaniniwalaang mga dambana. Ang isang pigurinang diyosa na nakaupo sa trono ay natagpuan sa isang lalagyan ng butil na nagmumungkahing ito ay paraan ng pagsisiguro ng pag-aani o pagpoprotekta sa suplay ng pagkain. Noong mga 5500–4500 BCE, ang mga taong Proto-Indo-Europeo ay lumitaw sa loob ng steppe na Pontic Caspian at nagpaunlad ng relihiyon na nakapokus sa ideolohiya ng paghahandog. Ito ay nakaimpluwensiya sa mga inapo ng kulturang Indo-Europa sa buong Europa at sa subkontinenteng Indiyano. Noong mga 3750 BCE, ang mga taong Proto-Semitiko ay lumitaw na may pangkalahatang tinatanggap na urheimat sa peninsulang Arabyano. Ang mga Proto-Semitiko ay lumipat sa buong Malapit na Silangan tungo sa Mesopotamia, Ehipto, Ethiopia at silanganing Meditareneo. Ang relihiyon ng mga Proto-Semitiko ang nakaimpluwensiya sa mga inapo nitong kultura at pananampalataya kabilang ang mga kalaunang umunlad na Abrahamikong relihiyon (Hudaismo, Kristiyanismo at Islam). Noong mga 3000 BCE, ang Sumerian Cuneiform ay lumitaw mula sa proto-literadong panahong Uruk na pumayag sa kodipikasyon ng mga paniniwala at paglikha ng detalyadong mga record na relihiyoso. Ang mga organisadong relihiyon ay pinaniniwalaang lumitaw bilang paraan ng pagbibigay ng katatagang panlipunan at pang ekonomika sa malalaking populasyon sa pamamagitan ng sumusunod:

Relihiyon

Ang mga relihiyong Iraniano o relihiyong Irani ang mga sinaunang relihiyon na ang mga ugat ay nauna sa Islamisasyon ng Iran. Sa kasalukuyan, ang mga relihiyong ito ay sinasanay lamang ng mga minoridad.

The Central Echo

Ang Relihiyong katutubo ay tumutukoy sa hindi mas organisadong mga pagsasanay ng mga katutubo. Ito ay tinatawag ring paganismo, shaminismo, animismo, pagsamba ng ninuno, relihiyong pang-aina o totemismo. Ang kategoryang relihiyong katutubo ay pangkalahatang kinabibilangan ng anumang relihiyon na hindi bahagi ng isang organisasyon. Ang mga modernong neopagano ay humahango mula sa relihiyong katutubo para sa inspirasyon.

Ang mga sosyolohikal na klasipikasyon ng mga kilusang relihiyon ay nagmumungkahi na sa loob ng anumang ibinigay na pangkat relihiyoso, ang isang pamayanan ay maaaring kamukha ng iba't ibang mga uri ng istruktura kabilang ang mga simbahan, mga denominasyon, mga sekta, mga kulto at mga institusyon.

Ayon sa mga pagsasaliksik, may pangkalahatang negatibong kaugnayan sa pagitan ng pagiging relihiyoso ng mga mamamayan nito at ang kayamanan ng bansa. Sa ibang salita, ang isang mas mayamang bansa ay mas hindi relihiyoso.

Ap7 Q2 M4

Ayon sa isang pag-aaral, ang mga antas ng pagiging relihiyoso at kreasyonismo ay bumabagsak habang ang mga lebel ng sahod ay tumataas...

-

Ang iba't ibang mga pag-aaral ay nagmungkahi na ang pag-iisip batay sa intuisyon at pangangatwirang induktibo ay tumataas sa pagkakaroon ng paniniwalang relihiyon at mas konserbatibong mga paniniwala. Ang mga taong hindi relihiyoso ay gumagamit ng pag-iisip na analitikal at pangangatwirang deduktibo.

Ang ideya na ang pag-iisip na analitikal ay gumawa sa isang tao na mas hindi relihiyoso ay sinusuportahan ng mga naunang pag-aaral sa isyung ito

Kultura Ng France At Pilipinas.. Nilalaman:

Noong 2008, sinuri ni Helmuth Nyborg kung ang IQ ay nauugnay sa relihiyon at sahod